Glenda dela Cruz sa mga naninira sa kanya: "Lahat gagawin ma-trigger ka lang pumatol"

Glenda dela Cruz sa mga naninira sa kanya: "Lahat gagawin ma-trigger ka lang pumatol"

- Nagbahagi ng mensahe si Miss Glenda dela Cruz, ang CEO ng Brilliant skin essentials

- Ito ay sa gitna ng pagdadawit sa kanya sa isyu matapos kumalat ang isang screenshot ng umano'y pag-uusap nila ni Zeinab Harake tungkol sa isa pang CEO

- Ani Miss Glenda, ang mga taong naninira sa kanya ay ginagawa ang lahat para ma-trigger siya at pumatol

- Nagpahayag naman ng kanilang pagsuporta ang followers ni Miss Glenda na isa sa pinakakilalang matagumpay na CEO ng skin care brand sa kasalukuyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas si Miss Glenda dela Cruz ng kanyang saloobin sa gitna ng pagkakadawit niya sa isyu sa isa pang CEO matapos ang pagkalat ng screenshot ng umano'y pag-uusap nila ni Zeinab Harake.

Glenda dela Cruz sa mga naninira sa kanya: "Lahat gagawin ma-trigger ka lang pumatol"
Glenda dela Cruz sa mga naninira sa kanya: "Lahat gagawin ma-trigger ka lang pumatol" (@iammissglenda)
Source: Instagram

Ani Miss Glenda, napapagod siya sa mga nangyayari sa kanya matapos umano siyang pagkaisahan.

Read also

Parokya ni Edgar, nabisita ang kabandang si Gab: "Sobrang aliwalas niya tingnan"

Nakakapagod na kayo. Sobra... Hindi ko na ma-absorb lahat ng nangyayari. Pagkakaisahan ka hanggang sa maubos ka.

Ito umano ay para ma-trigger siya at mapilitang pumatol.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahapon palang pagod na ako. Lahat gagawin ma-trigger ka lang pumatol.

Dagdag pa niya, ipapahinga niya lang ang bigat na dinadala at babangon para lumabang muli.

Bahala na kayong siraan ako. Kung saan kayo masaya, kung yan ang magpapaluwag ng dibdib niyo. Papahinga ko lang 'to, babangon tapos lalaban ulit.

Si Glenda Victorio ay CEO ng skin care company na Brilliant Skin Essentials, Inc. Bukod sa pagiging CEO ay gumagawa din siya ng videos at YouTube content. Isa siya sa mga skin care product CEO na may maraming followers sa social media.

Matatandaang si Andrea Brillantes ang nakasama ng ni Miss Glenda sa kanyang binahaging video sa YouTube. Dito ay binalikan niya kung paano sila unang nagkakilala ni Andrea na siyang unang endorser ng kanyang mga produkto. Sa kabila ng mga negatibong komento ng mga bashers laban kay Andrea, naniniwala umano si Miss Glenda na hindi daw dapat kinakalimutan yung mga taong nagtiwala at nandyan nung walang-wala pa siya. Aniya, kahit noong nagsisimula pa lang ang kanyang negosyo ay hindi nag-atubili si Andrea na tanggapin ang alok na maging endorser ng kanyang produkto kahit sikat ang aktres dahil ito ay naganap noong sikat na sikat ang "Kadenang Ginto."

Read also

Glenda Dela Cruz, inaming pinakamatinding bashing ang nangyari sa kanya nung 2022

Si Jillian Ward naman ang napiling bagong mukha para sa bagong produkto ni Miss Glenda. Sa kanyang social media post ay masaya niyang binahagi ang picture ng packaging ng bagong produkto. Nagpasalamat naman ang dalaga kay Miss Glenda sa pamamagitan ng kanyang pag-post sa Instagram story. Naging endorser na rin si Jillian ng naturang produkto ngunit ngayon lamang pormal na naging "Face of #PerfectlyBrilliant" matapos mailagay ang kanyang picture.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate