Cristy Fermin sa career ni Liza Soberano: "Maling atake, maling desisyon"

Cristy Fermin sa career ni Liza Soberano: "Maling atake, maling desisyon"

- Nagbigay ng pahayag si Cristy Fermin at mga kasama niya sa Showbiz Now Na tungkol sa itinatakbo ng career ngayon ni Liza Soberano

- Ayon kay Cristy, marami umano ang nanghihinayang sa naiwang career at mga proyekto sana ni Liza dito sa Pilipinas

- Mali umano ang timing ng dating Kapamilya actress lalo na at marami raw itong tinanggihang proyekto ng ABS-CBN

- Halos wala nang ibang nasabi sina Cristy kundi ang "sayang" lalo na at tila tumatagal na nanlalamig ang showbiz career nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa maiinit na natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay ang tungkol sa nangyayari na ngayon kay Liza Soberano.

Cristy Fermin sa career ni Liza Soberano: "Maling atake, maling desisyon"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na tulad nina Cristy, marami umano ang nanghihinayang sa career na naiwan ni Liza dito sa bansa.

Read also

Cristy, sinabing bibili pa umano ng beach house si Kris Aquino sa gitna ng kanyang gamutan

"So lahat tayo nanghihinayang. Napakaraming nanghihinayang. Maling desisyon, mali ang timing. Sayang na kasikatan, nauwi sa wala," ani Cristy.

Matatandaang sa isang episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, nasabi nitong may ilang proyekto na raw na naka-pitch para sa LizQuen subalit ang dalawa na mismo ang umano'y tumatanggi.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, mas lalo umanong nanghinayang sina Cristy sa uusbong pa sanang career ni Liza dito sa Pilipinas.

"Ang lamig-lamig na talaga ng karera ni Liza Soberano... Maganda pa rin siya, naaalala pa rin siya ng kanyang mga tagahanga pero, masakit pong tanggapin yung salita, pero na-laos siya"

Matatandaang si Liza ay kasalukuyan nang nasa ilalim ng management na kinabibilangan ni James Reid. Marami-rami na rin ang kumikwestyon sa naging desisyon na ito ni Liza lalo na ngayong tila nanahimik ang kanyang career.

Read also

Ogie D sa mga proyekto ng ABS-CBN para sa LizQuen: "Pero wala silang inaaprubahan"

"Maling atake, maling desisyon..Sayang si Liza," ang nasabi pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube Channel:

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Kamakailan, nabanggit na rin ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel na talagang marami na umanong nanghihinayang sa career ng kanyang dating alaga na si Liza Soberano. Matatandaang noong nakaraang taon ay hindi na ni-renew pa ni Liza ang kontrata niya kay Ogie bilang talent nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel