Ogie D sa mga proyekto ng ABS-CBN para sa LizQuen: "Pero wala silang inaaprubahan"

Ogie D sa mga proyekto ng ABS-CBN para sa LizQuen: "Pero wala silang inaaprubahan"

- Nabanggit ni Ogie Diaz na may ilang proyekto na pala umanong nakalinya sana sa LizQuen

- Subalit dahil sa nagdesisyon si Liza na sumubok sa oportunidad niya sa Amerika, hindi na natuloy ang mga ito

- Isa na rito ang gagawin sanang Pinoy adaptation ng It's Okay not to be Okay na nakalatag na sanang gawin ng LizQuen

- Subalit tulad nang ilan na nilang proyekto na 'di naaprubahan, hindi na rin ito natuloy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isiniwalat ni Ogie Diaz na marami sanang naka-pitch na proyekto sa tambalang 'LizQuen' nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ogie Diaz, isiniwalat na maraming nakalinyang proyekto umano sa LizQuen: "Pero wala silang inaaprubahan"
Enrique Gil at Liza Soberano
Source: Instagram

Ayon kay Ogie, hindi umano nagkulang ang ABS-CBN sa paglalatag ng posibleng pagtambalan muli ng dalawa na nauuwi rin sa wala.

"Kaya ako, nanghihinayang ako bilang former manager doon sa mga nakakakawalang proyekto kay Liza. Kasi hindi sa pag-aano ah. Hindi rin naman nagkulang ang ABS-CBN sa pitching'"

Read also

Sharon Cuneta sa relasyon nila ng anak na si KC: "hindi naiiwasang magbanggaan"

"Laging nagpi-pitching ang ABS-CBN pero wala silang inaaprubahan. Puro sige, babalikan namin kayo. Tapos ang ending, hindi rin naman nila kukunin," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa na rito ang patok na Koreanovela na 'It's okay not to be okay' na sana'y ang LizQuen ang gaganap sa Pinoy adaptation nito.

"Katulad nung Korean Telenovela. 'Yung it's Okay to be not Okay' na magkakaroon ng Philippine adaptation at sila 'yung gaganap. Maganda 'yun di ba? Pero hindi rin nag-ano, hindi rin pinalad ang ABS-CBN na magawa 'yun ng LizQuen kasi tumanggi sila," pahayag ni Ogie.

Kaya naman labis ang panghihinayang ni Ogie lalo ngayong tila wala pa ring kongkreto umanong proyekto sa Amerika sa pangangalaga ng talent agency nina James Reid.

Gayunpaman, bilang dating manager din ni Liza, isinasaalang-alang din naman niya umano ang kaligayahan ng dating alaga.

Read also

Sharon Cuneta, natutuwa sa "Sharon sa handaan" memes: "Ang cute naman, at least naalala ako"

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa naturang episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, nasabi niya kung gaano siya nasasaktan ngayong marami ang pumupuna kay Liza dahil sa mga ganap sa kanyang social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel