Ogie Diaz, pinuri si AJ Raval kung paano sumagot sa bashers

Ogie Diaz, pinuri si AJ Raval kung paano sumagot sa bashers

- Pinuri ni Ogie Diaz si AJ Raval sa kung paano nito sagutin ang kanyang bashers

- Kapansin-pansin din na ngayo'y sumasagot na raw ito sa ilang mga komento sa kanya ng netizens

- Gayunpaman, mahalagang maayos at makabuluhan umano ang sagot ni AJ para na rin mapaliwanagan ang mga umano'y namba-bash sa kanya

- Matatandaang noong Pebrero 14, halos magkasabay na nag-post sina AJ Raval at Aljur Abrenica sa kani-kanilang Instagram na umano'y hudyat ng paglantad ng relasyon nila sa publiko

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinuri ni Ogie Diaz si AJ Raval sa kung paano maayos na nasasagot ang ilang mga komento ng umano'y mga bashers niya sa social media.

Ogie Diaz, pinuri si AJ Raval kung paano sumagot sa bashers
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa ito sa kanilang tinalakay sa pinakabagong episode nila sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update.

Read also

Mommy Raquel, pinabulaanang bumabalik umano si Jake Zyrus kina Oprah at David Foster

Aniya, kapansin-pansin na ngayo'y sumasagot na si AJ sa mga komento lalo na kung ito ay paninira pa rin sa kanya matapos kumpirmahin umano ang relasyon nila ni Aljur Abrenica.

"Madam, FYI walang inagaw, at lalong wala kaming nilokong tao. Alam yan ni Kylie. Kung sira man family nila, one thing is for sure, hindi ako nanira ng famil;y nila. bakit hindi niyo lang i-research or hanapin kung sino ba talaga nanira? Bakit ako ang sumasalo ng kasalanan na hindi ko naman ginawa? Anyway, may you find your peace and happiness. God Bless you and your family," ang sagot ni AJ sa umano'y nagsabi ng di maganda sa kanya kaugnay sa relasyon nina Kylie Padilla at Aljur.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"May asawa ba? Hiwalay, literal na hiwalay uulitin ko... Hiwalay literal na hiwalay. So 'pag si Aljur nagkaroon ng partner kasalanan na? 'pag si Kylie nagkaroon ng partner deserve niya maging masaya? E pareho lang naman sila," ang isa pang sagot umano ni AJ sa komento sa kanya na binasa rin ni Mama Loi sa Showbiz Update.

Read also

Mommy Raquel, nami-miss na si Jake Zyrus: "Nagri-reach out naman ako sa kanya"

Dahil dito, bumilib si Ogie sa umano'y maayos na pagsagot ni AJ para maipaliwanag nito ang kanyang saloobin sa mga paratang sa kanya.

"'Good luck sa'yo AJ. At least magaling siyang sumagot ha sa mga hanash. Talagang kahit pinapatulan niya, may sense naman siya in fairness," ani Ogie.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa isa sa sa mga episode ng kanyang Showbiz Update channel, naglabas si Ogie Diaz ng saloobin kung gaano siya nanghihinayang sa iniwang career ng dati niyang alaga na si Liza Soberano dito sa Pilipinas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel