Mommy Raquel, pinabulaanang bumabalik umano si Jake Zyrus kina Oprah at David Foster

Mommy Raquel, pinabulaanang bumabalik umano si Jake Zyrus kina Oprah at David Foster

- Pinabulaanan ni Raquel Pempengco na bumalik at humihingi ng tulong si Jake Zyrus kina Oprah David Foster

- Matatandaang ang mga malalaking pangalan na ito ang siyang nakapansin sa talento ni Jake na noo'y si Charice Pempengco

- Ani Mommy Raquel, kung siya man si Oprah ay hindi rin niya magagawang tulungan si Jake sa itsura na nito ngayon

- Sa naturang interview, inamin din ni Mommy Raquel na hindi pa rin umano sila in good terms ng anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mismong si Raquel Pempengco ang nagsabing walang katotohanang nagbalik at humingi ng tulong si Jake Zyrus sa mga kilalang personalidad na sina Oprah Winfrey at David Foster.

Mommy Raquel, pinabulaanang bumabalik umano si Jake Zyrus kina Oprah at David Foster
Jake Zyrus (@jakezyrusmusic)
Source: Instagram

Matatandaang ang dalawang malalaking pangalan na ito ang mga unang nakakilala at nagpakita sa buong mundo ng husay sa pag-awit ni Jake na noo'y kilala pa bilang si Charice Pemepengco.

Read also

Mommy Raquel, nami-miss na si Jake Zyrus: "Nagri-reach out naman ako sa kanya"

"Hindi naman totoo na bumabalik. (Kina Oprah at David Foster) Kung ako din naman si Oprah, bakit ko pa tutulungan ng ganyang itsura. Kung hindi naman siya talaga ano sa market," pahayag ni Mommy Raquel.

Paliwanag pa niya, mahirap sa kung ano na ngayon si Jake ang mai-market lalo na at nagbago na rin talaga ang boses nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"May quality pa rin naman. Nakikita pa rin yung quality ng boses niya. Maganda pa rin ang dating. Dahil siyempre hanggang doon na lang dahil iba kasi yung tinanggap ng tao sa kanya e. May mga sumusuporta pa rin sa kanya pero hati na ngayon," dagdag pa niya.

Ito ay ang pagkukumpara rin niya sa panahong nakilala noon si Charice na madalas nang makasama ni David Foster sa mga shows nito. At maging si Celine Dion ay naka-duet pa nito sa awiting alay ni Charice sa kanya noon.

Read also

Ogie D, natanong si Dennis Padilla kung nagre-reply na ang mga anak: "Wala pa rin daw"

Bagama't naimbitahan pa rin naman ni David si Jake sa isa sa mga konsyerto nito subalit hindi na rin naman ito naulit pa lalo na at tuluyan na raw nabago ang timbre ng boses nito ayon kay Mommy Raquel.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ng showbiz reporter na si Morly Alinio:

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo.

Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na ngayon bilang si Jake Zyrus.

Kamakailan, nag-viral ang naging performance ni Morisette Amon sa concert ni David Foster sa bansa. Dito umano nagmula ang pagkukumpara kina Charice Pempengco at Morisette na ang kinanta ay pawang mga inawit ni Jake noong nakakasama pa siya ni David sa mga pagtatanghal nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel