Ogie D, natanong si Dennis Padilla kung nagre-reply na ang mga anak: "Wala pa rin daw"

Ogie D, natanong si Dennis Padilla kung nagre-reply na ang mga anak: "Wala pa rin daw"

- Nakumusta ni Ogie Diaz ang aktor na si Dennis Padilla kamakailan

- Ito ay matapos na batiin ni Dennis si Dani Barretto, ang panganay na anak ni Marjorie Barretto

- Natanong ni Ogie kung sumagot ba si Dani sa mensahe ni Dennis subalit sinabi nitong hindi

- Gayunpaman, marami ang umaasa, kabilang na si Ogie na magkakaayos pa rin si Dennis at kanyang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinumusta ni Ogie Diaz si Dennis Padilla matapos nitong batiin si Dani Barretto na nagdiwang ng kaarawan kamakailan.

Ogie Diaz, kinumusta si Dennis Padilla: "Itinakwil na ba nila si Dennis bilang tatay?"
Dennis Padilla (@dennisastig)
Source: Facebook

Natanong niya ito kung nag-reply ang itinuring na sariling anak sa nasabing post. Ngunit tulad ng mga kapatid nito, hindi rin nito nagawang magpasalamat o magkomento sa mensahe ni Dennis.

"Ito namang huli, ang binati niya si Dani Barretto... Tinanong ko si Dennis, nag-rereply ba ang mga anak mo pag binati mo? Wala pa rin daw. Hayaan mo na Gie, pray lang tayo kay Lord na isa sa mga araw na ito, sagutin ako. Sabi ko si Dani Barretto, sinagot ka? Hindi rin daw," pagbabahagi ni Ogie.

Read also

Andre Yllana kay Andrea Brillantes: "Mag-iingat ka palagi kung hindi ako mag-iingat sa'yo"

"Grabe no. 'Yung replyan lang o i-appreciate lang yung pagbati dahil naalala. Naaano lang ako. HIndi ko alam, ano ba to? Itinakwil na ba nila si Dennis bilang tatay?" giit pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tulad ng hiling ng marami, sana'y maayos ni Dennis at ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto ang kung ano man ang kanilang naging problema, bakit kailangan umanong humantong sa 'di nila pag-uusap.

"E sana mahintay pa 'yun ni Dennis habang malakas pa siya. E what if di ba? Hindi natin kabisado ang buhay, kinabukasan may maganap kay Dennis 'di ba? Syempre alam ng mga tao 'yung istorya. Ano ang magiging reaksyon ng mga bata?"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Read also

Bea Alonzo sa nagsabing di raw siya sisikat sa showbiz: "And look at me now!"

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang kanyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel