Bea Alonzo sa nagsabing di raw siya sisikat sa showbiz: "And look at me now!"

Bea Alonzo sa nagsabing di raw siya sisikat sa showbiz: "And look at me now!"

- Naikwento ni Bea Alonzo na mayroong taong tila minaliit ang kakayanan niya sa showbiz

- Halos hindi rin umano siya makapaniwla sa komento ng taong ito na taliwas sa narating niya ngayon

- Si Bea Alonzo ang isa sa maituturing na matagumpay na aktres ng kanyang henerasyon

- Katunayan, kahit lumipat ito ng network, patuloy na nagniningning ang kanyang katanyagan bilang isa sa mahuhusay na aktres sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong vlog ni Bea Alonzo kung saan nakasama niya ang kapwa niya Kapuso actress na si Andrea Torres, naikwento ni Bea ang hindi malilimutang komento sa kanya noong nagsisimula pa lamang umano siyang mag-artista.

Bea Alonzo sa nagsabing hindi siya sisikat sa showbiz: "And look at me now!"
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Tila bahagi ng kanyang mga pinagdaanan sa pagpasok niya noon sa showbiz ay ang panghuhusgang hindi siya magtatagumpay at tila magiging bold star lamang umano siya.

Read also

KC Concepcion, tinawag na 'fairytale come true' ang makasama niya ang mga magulang

"Someone once told me that I can never make it in the business. Na magiging bold star lang ako. Saka nakakatawa, bold star," natatawang nasabi ni Bea na halos hindi makapaniwala sa komentong ito.

"Sa tingin niyo ba bold star? 'Yung totoo? Yeah, someone told me that. And look at me now!" giit pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maituturing si Bea na isa sa pinakamahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon kaya naman hindi kataka-takang magwagi niya sa kabi-kabilang acting awards.

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance. Kabi-kabilang nominasyon at acting awards ang kanyang natanggap na patunay lamang ng husay sa kanyang karera.

Read also

Bea, binahagi ang paalala ng nanay niya: "You can never seduce a happy husband"

Samantala, July 18 nang kasalukuyang taon nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Matatandaang naikwento rin ni Bea ang minsang hindi niya paniniwala sa kasal dala ng kanyang mga karansan. Subalit tila taliwas na ito sa mga nagaganap ngayon sa kanyang buhay pag-ibig lalo na at pinaghahandaan na nila ni Dominic ang sarili nilang kasalan na inaasahang magaganap 'di umano sa susunod na taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel