Mommy Raquel, nami-miss na si Jake Zyrus: "Nagri-reach out naman ako sa kanya"

Mommy Raquel, nami-miss na si Jake Zyrus: "Nagri-reach out naman ako sa kanya"

- Aminado si Raquel Pempengco na nami-miss niya ang anak na si Jake Zyrus

- Sa panayam sa kanya ni Morly Alinio, natatawag din niya ito sa dating pangalan na Charice

- Nag-iwan din siya ng mensahe sa anak na naroon lamang siya at naghihintay na makausap ito

- Inamin din niyang hindi pa rin umano sila in good terms ni Jake hanggang ngayon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maluha ni Mommy Raquel Pempengco nang amining nami-miss na niya ang anak na si Jake Zyrus.

Mommy Raquel, nami-miss na si Jake Zyrus: "Nagri-reach out naman ako sa kanya"
Jake Zyrus (@jakezyrusmusic)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ni Morly Alinio, nasabi ni Mommy Raquel na sinusubukan niya umanong mag-reach out kay Jake subalita hanggang ngayon ay 'di pa rin niya ito nakakusap.

"Nagri-reach out naman ako sa kanya, Andito lang ako. dahil hindi luluwag ang pakiramdam mo Hangga't ang magulang mo ang kalaban mo."

Read also

Mommy Raquel, pinabulaanang bumabalik umano si Jake Zyrus kina Oprah at David Foster

"Hindi aayos ang buhay mo o kahit anong gawin mo sa buhay mo, hindi siya magkakaroon ng peace of mind kasi hanggang ngayon, mabigat pa rin ang dinadala niya sa magulang niya"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, kahit hindi na umano sila tulungan ni Jake, ang mahalaga ay kinukumusta manlang sila nito o nakakausap.

'Yun ang kulang ngayon kay Jake. Dahil alam niya na hindi kami in good terms. Siguro 'pag nag-reach out lang siya 'Mi, okay lang ba kayo diyan? 'Wag kang mag-alala okay kami dito, okay ako dito. Gusto ko lang ng malaya na at malayo na sa showbiz... 'Yun sana ang gusto ko mangyari. Kahit hindi niya kami tulungan, 'yung mero n lang koneksyon na 'wag kayong mag-alala okay ako dito"

Kaya naman ganoon na lamang ang pananabik ni Mommy Raquel sa pagdating ng araw na muli niyang makakausap at makakasundo ang anak.

Read also

Kylie Padilla, umani ng papuri sa kanyang husay sa pagkanta

"Charice, nami-miss ko yung dati mong gainagawa mo sa'kin... 'Yung mga sinasabi mo sa akin... nami-miss ko lahat. Sana hindi siya nagbago. Para sa akin, wala akong ginawang masama. Charice, kung ikaw man ay nagbago sana hindi mo binago 'yung ugali mo para sa aming pamilya mo"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Youtube channel ni Morly Alinio:

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo.

Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus ngayon.

Kamakailan, nag-viral ang naging performance ni Morisette Amon sa concert ni David Foster sa bansa. Dito umano nagmula ang pagkukumpara kina Charice Pempengco at Morisette na ang kinanta ay pawang mga inawit ni Jake noong nakakasama pa siya ni David sa mga pagtatanghal nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel