Kylie Padilla: “If I wasn’t an actress I’d be a sniper”

Kylie Padilla: “If I wasn’t an actress I’d be a sniper”

- Nag-post si Kylie Padilla sa kanyang Instagram ng picture ng kanyang naging target sa ginawa niyang target shooting

- Nilinaw ng showbiz reporter na si Nelson Canlas na ang pinakitang iyon ni Kylie ay ang target niya sa layong 20 feet

- Lahat ng hawak niyang basyo ng bala ay may tama kaya marami ang napabilib sa husay ni Kylie

- Dagdag pa niya, kung hindi siya nag-artista ay malamang naging isa siyang sniper

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinabiliban si Kylie Padilla sa husay nito sa target shooting. Sa kanyang Instagram post ay pinakita niya ang basyo ng bala na nagsilbing target niya sa layong hindi bababa sa 20 talampakan ayon sa showbiz reporter na si Nelson Canlas.

Kylie Padilla: “If I wasn’t an actress I’d be a sniper”
Kylie Padilla: “If I wasn’t an actress I’d be a sniper” (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Ani Kylie, kung hindi siya nag-artista ay malamang naging isa siyang sniper.

Read also

Brenda Mage, ibinida ang night view sa kanyang Hinaguan farm

Wow! Sharp shooter.
Wow astig ka tlga idol❤️ God bless po sa career at sa pagiging mommy

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pwede ka naman maging sniper kahit artista ka pa, sa galing mo na yan!... sana may pagsamahan pa kayo ng papa mo na action movie!

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Matatandaang sinagot ni Kylie ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sa naturang Instagram post ay binahagi ni Kylie ang isang video na kuha sa kanyang pamamasyal sa Thailand. Ayon sa komento ng naturang netizen, sinabi niyang totoo raw pala ang sinabi noon ni Aljur na si Kylie ang unang 'lumandi'. Tanging laughing emoji ang sagot ni Kylie sa naturang komento.

Read also

Mikee Morada, napa-walk out sa prank ni Alex Gonzaga sa kanya

Nag-post si Aljur Abrenica ng picture nila ni AJ Raval sa Instagram sa unang pagkakataon nitong Valentine's Day. Simula nang ma-ugnay ang dalawa ay hindi pa sila nakapag-post ng picture nilang magkasama kundi nakukuhanan lamang sila ng picture na magkasama. Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, nagbahagi din si AJ ng picture nila ni Aljur kalakip ang isang mensahe. Hindi naman na nagbahagi ng mensahe si Aljur sa kanyang Instagram post kundi makikita lamang sa picture na nakaakbay at nakatingin siya kay AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel