Joey de Leon, nagbabala sa aniya'y mandaraya sa "Pinoy Henyo"
- Nabanggit ni Joey de Leon ang tungkol sa umano'y pandaraya sa isang segment ng Eat Bulaga
- Ito ay ang "Pinoy Henyo" kung saan naging usap-usapan ang umano'y pandaraya ng kalahok kamakailan
- Maging ang kanyang mga co-hosts ay sumang-ayon sa sinabi ni Joey na nawawala ang saya ng isang laro kapag nandaya
- Maging si Jose Manalo ay nagpahayag ng kanyang saloobin kaugnay dito at nagsabing babantayan nila ang mga manlalaro
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbabala si Joey de Leon sa umano'y pandaraya sa "Pinoy Henyo." Sa episode ng Eat Bulaga ngayong Biyernes, Feb. 17, maging ang ibang hosts ng naturang noontime show ay nabanggit ang tungkol sa pandaraya.

Source: Instagram
Kasunod ito ng pagkalat ng video clip na kuha noong February 14 episode ng Pinoy Henyo kung saan isang kalahok ang umano'y nandaya.
Ani Joey, kapag hinaluan ng pandaraya ang isang laro, nawawala ang saya.
“Simulan na natin ang pautakan pero [uunahin] ko na itong warning na ito. Sa isang laro, ano ang ginagawa mo para mawala ‘yung saya o ‘yung fun? ‘Pag ikaw ay nandaya.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maging si Allan K ay sumang-ayon sa sinabing ito ni Joey.
Hindi man binanggit ng direkta kung sino ang tinutukoy niya ay sinabi niyang napasok ng mandaraya ang Pinoy Henyo.
“Akalain niyo, itong ‘Pinoy Henyo’ ay pasukan ng mandaraya rin. Kaya inuulit natin, kahit anong laro pa ‘yan, ‘pag nandaya kayo, wala na ‘yung fun.”
Si Joey de Leon ay isang actor, comedian at TV host sa Pilipinas. Isa siya sa mga nirerespestong haligi ng industriya ng showbiz kung saan unang nakilala sa trio nilang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga.
Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nasabi ni Joey na ang pagkakaisip niya ng pangalan ng 'Eat Bulaga' ang maituturing niyang greatest legacy. Naikwento niya rin kung saan niya nakuha ang ipinangalan sa ngayo'y itinuturing na longest-running noontime show sa bansa. Naibahagi pa ni Joey ang pagsisimula ng TVJ (Tito, Vic and Joey) na ngayo'y nasa 50 taon na sa industriya ng showbiz. Sa ngayon, ika-44 taon na ng Eat Bulaga na patuloy na naghahatid saya sa pananghalian ng mga Pilipino.
Naging usap-usapan sa Twitter ang umano'y pagre-require sa mga estudyante ng Brentwood Dasmariñas na manood ng My Teacher. Nakarating na rin mismo sa programa ni Ogie Diaz ang bali-balitang ito subalit wala pa rin umanong kumpirmasyon. Mayroon din umanong permission letter mula sa paaralan ang kumakalat at makikitang January 10 ang naturang viewing ng school. Nabanggit din umano sa naturang sulat na ang ticket, pamasahe at snacks ay sagot pa rin ng estudyante.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh