Janice Jurado, nabanggit ang tungkol sa aniya'y atat na maalis siya sa Batang Quiapo
- Naghayag ng saloobin si Janice Jurado kaugnay sa aniya'y taong gusto siyang maalis sa Batang Quiapo
- Aniya, lagi nitong sinasabi na maaalis na siya sa Batang Quiapo kung saan gumaganap siya bilang si Mama Janet
- Dagdag pa niya, mas marunong pa ito kay Direk Coco (Coco Martin) at dapat ay huwag itong pangunahan
- Marami naman ang naghayag ng kanilang suporta kay Janice at nagsabing sana ay huwag mawala ang karakter niyang si Mama Janet
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inalmahan ni Janice Jurado ang isang cast ng Batang Quiapo na aniya ay atat na maalis siya sa naturang serye gayong may plano umano si Derek Coco sa kanya. Aniya, lagi nitong sinasabi na maaalis na siya sa Batang Quiapo kung saan gumaganap siya bilang si Mama Janet.
Dagdag pa niya, mas marunong pa ito kay Direk Coco (Coco Martin) at dapat ay huwag itong pangunahan.
Isa sa cast batang Q ang atat na maalis ako,ngayon masaya ka na,nandyan pa ako sa batangQ, lagi mong sinasabi na maalis ako,marunong ka pa kay direk coco,may plano si direk wag mong unahan.. dapat mong gawin ang pag arte mo ang ayusin mo...
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa isa pang post ay sinabi niyang tiwala siya sa magiging desisyon ni Coco.
Tiwala ako kay direk coco alam nya ang ginagawa nya,ano man desisyon ni direk coco igalang na lang natin
Si Coco Martin ay unang sumikat sa paggawa ng mga indie films. Siya ang bumida bilang si Cardo Dalisay sa defunct Kapamilya primetime show na FPJ's Ang Probinsiyano. Bukod sa pag-arte, isa na rin siya sa direktor ng nasabing teleserye na malapit nang umabot sa ikalimang taon nito simula nang una itong inere noong September 28, 2015.
Kamakailan ay namataan si Coco Martin sa Translacion 2023 na ginanap noong Enero 9. Patuloy pa rin siya sa pagdalo ng Translacion na matagal na umano niyang panata sa Poong Nazareno. Ngayong taon, magiging bahagi rin umano ito ng kanyang bagong teleserye na 'FPJ's Batang Quiapo.' Pinasalamatan din ni Coco ang kanyang team sa unang taping day ng nasabing bagong serye.
Samantala, labis umano na nakaka-relate si dating Manila Mayor Isko Moreno sa kwento ng buhay ni Coco. Si Coco ang pinakaunang guest ni Isko sa kanyang YouTube show na Iskovery night. Dahil parehong lumaki sa Maynila, hindi nagkakalayo ang mga pinagdaanan nila sa buhay bago tuluyang makamit ang tinatamasang tagumpay sa kasalukuyan. Naibahagi rin ni Coco ang ilang mga detalye kaugnay sa kanyang bagong teleserye na "FPJ: Batang Quiapo."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh