Willie Revillame, pumalag sa mga bumatikos sa kanya: "Kayo ang may utang na loob sa akin"

Willie Revillame, pumalag sa mga bumatikos sa kanya: "Kayo ang may utang na loob sa akin"

- Hindi pinalampas ni Willie Revillame ang mga nangbatikos sa kanya kasunod ng kanyang pahayag kamakailan

- Hindi niya pinangalanan ang mga ito ngunit binanggit ni Willie ang mga naitulong niya sa mga ito

- Hamon niya i-vlog lang nila siya lagi at hindi daw siya aatras at papangalanan pa niya ang mga ito

- Dagdag pa niya ang mga ito ang may utang na loob sa kanya dahil sa mga hinging pabor sa kanya at naitulong niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinalagan ni Willie Revillame ang ilan sa mga taong nambatikos sa kanya. Hamon niya i-vlog lang nila siya lagi at hindi daw siya aatras at papangalanan pa niya ang mga ito.

Willie Revillame, pumalag sa mga bumabatikos sa kanya: "Kayo ang may utang na loob sa akin"
Willie Revillame, pumalag sa mga bumabatikos sa kanya: "Kayo ang may utang na loob sa akin" (Wowowin)
Source: Youtube

Sa kanyang programang Wowowin ay hindi napigilang magsalita ng TV host. Isa sa kanyang nabanggit ay taong natulungan niya ngunit sinabihan siyang mayabang.

Read also

Willie Revillame, pinakita ang pinapagawang Wowowin Studio

Ang isa naman daw ay binigyan niya ng 50,000 noong tumakbo ito ng pagka konsehal. Aniya, naging mabait siya sa mga ito.

Ang isa naman daw ay nakasama niya sa production. Nag-"English-English" pa daw. Noong kinasal umano ito sa Tagaytay, sa bahay niya pa natulog ang nanay at tatay niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, hindi niya sinusumbat ang naitulong niya ngunit nagsalita siya dahil sa aniya'y paninira sa akin.

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito. Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS. Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS.

Read also

Sharon Cuneta, gustong mahanap ang ale na nakuhanan ng picture kasama ang mga aso niya

Maging si Ogie Diaz ay naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang 'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito. Kaugnay nito, nakalkal umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon. Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ng host ng Wowowin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel