Ava Mendez, sinabing hindi niya kamukha si Zeinab Harake

Ava Mendez, sinabing hindi niya kamukha si Zeinab Harake

- Sa isang video, sinabi ni Ava Mendez sa mga viewers na hindi niya kamukha si Zeinab Harake

- Aniya, ayaw niya talaga napagsasabihang mayroon siyang ibang kamukha kaya iginiit niyang siya si Ava Mendez

- Kapansin-pansin din na kasama niya sa naturang video si Aira Lipata na dating nauugnay kay Skusta Clee

- Kasalukuyang karelasyon naman ng rapper si Ava Mendez na isang Viva artist

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mariin sinabi ni Ava Mendez na hindi niya kamukha si Zeinab Harake. Sa isang video na umani ng mga reaksiyon, makikitang kasama niya si Aira Lipata.

Ava Mendez, sinabing hindi niya kamukha si Zeinab Harake
Ava Mendez, sinabing hindi niya kamukha si Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Ani Ava, siya si Ava Mendez at ayaw niyang nasasabihang mayroon siyang kamukha. Base sa video kuha ito sa live stream ni Aira Lipata. Si Aira Lipata na dating nauugnay kay Skusta Clee samatalang kasalukuyang karelasyon naman ng rapper si Ava na isang Viva artist.

Read also

Vice Ganda, binati ang aniya'y mga "clean at mga kapwa niya dirty"

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel