Coco Martin, nagpapatayo daw ng bahay para sa kanyang future family

Coco Martin, nagpapatayo daw ng bahay para sa kanyang future family

- Ayon kay Coco Martin, nagpapatayo siya ng bahay malapit lang din sa pinatayo niyang malaking bahay na para sana sa kanilang magkakapatid at pamilya

- Aniya, sa tingin niya ay hindi iyon pangpamilya kaya naisip niyang magpatayo ng bahay para naman sa kanyang magiging pamilya

- Naibahagi ni Coco na pinangarap niyang magkakasama silang lahat ng kanyang mga kapatid at pamangkin sa isang bahay ngunit aniya ay hindi maiwasang may hindi pagkakaunawaan kaya naibukod niya na umano ang mga kapatid niya

- Inihanda muna umano ni Coco ang lahat ng mga kapatid dahil aniya ang gusto niya ay kampante siya na nasa maayos na kalagayan ang kanyang mga kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Coco Martin na nagpatayo siya ng bahay para sa kanyang magiging pamilya. Sa binahaging video ni MJ Marfori sa YouTube na kuha sa press conference para sa pagiging ambassador niya ng isang brand, naibahagi ni Coco ang tungkol dito.

Read also

Alex Gonzaga, tutuparin umano ang mga wish ng mga maswerte niyang fans

Coco Martin, plano umanong magpatayo ng bahay para sa kanyang future family
Coco Martin, plano umanong magpatayo ng bahay para sa kanyang future family (@cocomartin_ph)
Source: Instagram

Ayon sa kwento ni Coco, ang pinatayo niya ay parang condo na para sana umano pwede silang magkasama ng mga kapatid niya. Gayunpaman, kinailangan niyang ibukod umano ang mga kapatid dahil hindi maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Dahil aniya parang hindi pangpamilya ang pinatayo niyang bahay ay nagpatayo siya ng bahay bilang paghahanda para sa kanyang magiging pamilya.

"Ngayon, wala na sila lahat sa bahay, kami nalang po ng lola ko magkasama. Sabi ko, ‘Kailangang-kailangan ko na magpatayo ng bahay para sa magiging pamilya ko.'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kaya ngayon nagpapatayo ako ng bahay, sa tabi rin ng bahay ko, para na doon sa magiging pamilya ko."

Naging mailap naman si Coco na magbahagi ng detalye tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Si Coco Martin ay unang sumikat sa paggawa ng mga indie films. Siya ang bumida bilang si Cardo Dalisay sa defunct Kapamilya primetime show na FPJ's Ang Probinsiyano. Bukod sa pag-arte, isa na rin siya sa direktor ng nasabing teleserye na malapit nang umabot sa ikalimang taon nito simula nang una itong inere noong September 28, 2015.

Read also

Ryssi Avila, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging ina

Kamakailan ay namataan si Coco Martin sa Translacion 2023 na ginanap noong Enero 9. Patuloy pa rin siya sa pagdalo ng Translacion na matagal na umano niyang panata sa Poong Nazareno. Ngayong taon, magiging bahagi rin umano ito ng kanyang bagong teleserye na 'FPJ's Batang Quiapo.' Pinasalamatan din ni Coco ang kanyang team sa unang taping day ng nasabing bagong serye.

Samantala, labis umano na nakaka-relate si dating Manila city Mayor Isko Moreno sa kwento ng buhay ni Coco. Si Coco ang pinakaunang guest ni Isko sa kanyang YouTube show na Iskovery night. Dahil parehong lumaki sa Maynila, hindi nagkakalayo ang mga pinagdaanan nila sa buhay bago tuluyang makamit ang tinatamasang tagumpay sa kasalukuyan. Naibahagi rin ni Coco ang ilang mga detalye kaugnay sa kanyang bagong teleserye na "FPJ: Batang Quiapo."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel