Ava Mendez, nilinaw na hindi totoong engaged na sila ni Skusta Clee

Ava Mendez, nilinaw na hindi totoong engaged na sila ni Skusta Clee

- Nilinaw ni Ava Mendez na hindi totoo ang kumakalat na balitang engaged na sila ni Skusta Clee

- Aniya, kuha ang kumakalat na video sa Christmas party ng Ex-Battalion na makikita sa vlog ni Angelica Yap

- Kwento niya, kaya sila nagtalunan ni Skusta Clee ay nahulaan nito ang tamang sagot sa palaro nila sa Christmas party

- Gayunpaman, aminado naman siyang inlove na inlove siya sa boyfriend na rapper

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Ava Mendez na hindi totoong engaged na sila ni Skusta Clee. Ito ay matapos ang pagkalat ng video kung saan nagtatatalon silang dalawa.

Ava Mendez, nilinaw na hindi totoong engaged na sila ni Skusta Clee
Ava Mendez, nilinaw na hindi totoong engaged na sila ni Skusta Clee (facebook.com/hoodboycleezy)
Source: Instagram

Ani Ava, kuha ang kumakalat na video sa ginanap na Christmas party ng Ex Battalion kung saan kasali sila ni Skusta sa palaro. Matapos umano mahulaan ni Skusta ang pinapahulaang salita ay tuwang-tuwa sila at napatalon. Gayunpaman, aminado naman siyang inlove na inlove siya sa boyfriend na rapper.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Sa naunang post naman ni Skusta Clee sa Facebook, wala itong binanggit na pangalan ngunit may sinabihan ito ng "panget mo sumayaw." Muli siyang napabilang sa popular search sa Facebook kasunod ng kanyang maiksing Facebook post. Simula nang lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab ay kaagad na umaani ng atensiyon ang kanyang mga social media posts. Sa kanyang unang pahayag ay walang direktang sinabi si Skusta kaugnay kay Zeinab ngunit aniya ay mas natutunan niyang mahalin ang sarili niya.

Nag trending din si Skusta Clee matapos ang kanyang nakakaintrigang Facebook post ngayong araw gamit ang kanyang personal na Facebook account. Sa naturang post ay wala itong binanggit na pangalan ngunit tungkol ito sa aniya'y taong nagloko din ngunit hindi lang umamin. Ilang oras matapos ang pag-post niya nito ay nasa "popular search" sa Facebook ang pangalang Skusta Clee. Agad na umani ng samu't-saring reaksiyon at komento ang kanyang post.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel