Cristy Fermin sa 46th birthday ni Piolo Pascual: "Kung saan maligaya, ibigay natin sa kanya"

Cristy Fermin sa 46th birthday ni Piolo Pascual: "Kung saan maligaya, ibigay natin sa kanya"

- Nagbigay komento sina Romel Chika, Wendell Alvarez at Cristy Fermin ukol sa estado ni Piolo Pascual sa ika-46 na kaarawan niya

- Marami umano ang nagtataka at napapaisip tila wala pa rin umano sa plano ni Piolo ang pag-iisang dibdib

- Sa ngayon, wala rin umanong nali-link sa kanya, showbiz o non-showbiz man

- Bagama't iniintriga ang kanyang kasarian, hindi mapagkakailang si Piolo pa rin ang nais ng maraming mga kababaihan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa tinalakay nina Romel Chika, Wendell Alvarez at Cristy Fermin sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang tungkol sa 46th birthday ni Piolo Pascual.

Cristy Fermin sa 46th birthday ni Piolo Pascual: "Kung saan maligaya, ibigay natin sa kanya"
Piolo Pascual (@piolo_pascual)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tulad katanungan ng marami, napaisip din umano ang tatlo kung bakit nga ba wala pa rin umanong nali-link kay Piolo kamakailan.

Matatandaang ilang mga female personalities na ang umano'y nagkaroon ng kaugnayan sa aktor subalit ngayon, walang matunog na pangalan ang nadidikit sa kanya sa loob o labas man ng showbiz.

Read also

Cristy Fermin, pansin ang umano'y lungkot sa mga mata ni Sarah Geronimo

May mga nagsasabi pa raw na choosy umano si Piolo pagdating sa pakikipagrelasyon at pinili umano nitong maging single sa ngayon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Kung saan po maligaya ang tao, ibigay po natin 'yun sa kanya," ani Cristy.

Bagama't madalas ding napapabalita ang pagkuwestiyon umano sa kanyang kasarian, si Piolo pa rin talaga ang Pinoy actor na nais ng karamihan.

"Sa lahat ng mga personalidad na kinukwestyon po ang kasarian, si Piolo Pascual pa rin ang gusto ng mga kababaihan... lahat po ng gender. Si Piolo Pascual pa rin ang ang number one"

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Piolo Pascual ay isang aktor, singer at modelo sa Pilipinas. Isa si Piolo sa mga tinitingalang leading man mapa-telebisyon man o pelikula.

Sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez, nabanggit ni Piolo ang mga trabahong hindi aakalain ng marami na papasukin niya. Ilan na rito ang kanyang pagigi umanong security. Masasabing na-enjoy umano niya ito dahil nakita niya nang personal ang mga sikat at iniidolo niyang Hollywood celebrities.

Read also

Trina Candaza sa paghiram ni Carlo sa anak nilang si Mithi; "It's just that, hindi siya pumupunta"

Aniya, ito ay noong panahon ng kasagsagan ng kasikatan ng pelikulang Titanic na pinagbibidahan ni Leonardo Di Caprio at ni Kate Winslet.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel