Cristy Fermin, pansin ang umano'y lungkot sa mga mata ni Sarah Geronimo

Cristy Fermin, pansin ang umano'y lungkot sa mga mata ni Sarah Geronimo

- Sa pagbabalik pagtatanghal ni Sarah Geronimo, kapansin-pansin umano ang mga nito na mababakas pa rin umano ang kalungkutan

- Ayon kina Cristy Fermin ng Showbiz Now Na! mapapansin din na tila mas napalapit si Sarah sa Diyos na maging sa kanyang awitin kamakailan ay ito ang tema

- Hindi rin umano maipagkakailan na ang dahilan nito ay ang hindi pa umano nila pagkakaayos ng kanyang pamilya

- Tulad ng marami, hiling nina Cristy na sana'y magkaayos nang muli sina Sarah at ang kanyang pamilya lalo na sa kanyang Mommy Divine

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang natuwa sa pagbabalik entablado ng nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Cristy Fermin, pansin ang umano'y lungkot sa mga mata ni Sarah Geronimo
Sarah Geronimo- Guidicelli (@justsarahgph)
Source: Facebook

Subalit, kapansin-pansin umano ang ang kalungkutang hindi nito maitago sa kanyang mga mata kaya naman maging ang bagay na ito ay natalakay nina Cristy Fermin sa pinaakabagong episode ng kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!

Read also

Cristy, naalarma nang gawing biruan sa concert ni Toni ang cake issue ni Alex

"Ang bibig ay nakapagsisinungaling pero ang mga mata diyan tumatagos talaga ang lungkot at saya," ani Cristy.

Maging ang mga netizens ay napapansin din umano ito at iisa halos ang naiisip nilang dahilan... Ang hindi pa rin umano pakikipag-usap ng pamilya ni Sarah sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang nito lamang Kapaskuhan, ilan sa mg nagkaroon ng sigalot ay nagkaayos na subalit hindi pa rin ito naganap sa pagitan ni Sarah at ng kanyang pamilya partikular na si Mommy Divine.

"Ang daming mga personalidad na nagkahiwa-hiwalay na nagkasundo-sundo na. Pati mga pamilya nila nagkasundo na, sila na lang ang naiiwanan"

Tulad din ng hiling ng karamihan, hiling din nina Cristy na sana'y ito na ang taon kung saan tuluyan nang mamumutawi ang pagpapatawad at pagmamahalan sa pamilya ni Sarah G

Read also

Cristy Fermin, sa concert ni Toni G; "'Yung mga nagsasabing sold out, hindi po!"

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa nauna nilang episode, nabanggit nina Cristy na awang-awa na umano si Matteo Guidicelli sa kanyang misis sa sitwasyon nito sa kanyang pamilya. Katunayan, ito pa raw umano ang nagpabura noon ng post ni Sarah na umano'y humihingi pa rin ng tawad sa kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: