Piolo Pascual, naikwentong minsan na siyang naging security guard sa Amerika

Piolo Pascual, naikwentong minsan na siyang naging security guard sa Amerika

- Isa sa mga naikwento ni Piolo Pascual sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez ay ang pagiging isa niyang security guard

- Sa ospital ang talagang naging trabaho niya noon ngunit bukod dito, suma-sideline din siya ng ibang trabaho

- Isa na nga rito ang pagiging security guard sa Oscars na malapit lamang umano sa ospital kung saan siya nagtatrabaho

- Masasabing 'raketero' umano siya noon sa Amerika bago tuluyang maging isang aktor sa Pilipinas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bago maging isang superstar sa Pilipinas, naikwento ni Piolo Pascual na minsan na siyang naging isang security guard sa Amerika.

Piolo Pascual, naikwentong minsan na siyang naging security guard sa Amerika
Piolo Pascual (@piolo_pascual)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nabanggit niya ito sa panayam sa kanya ni Korina sa programa nito sa Net 25.

Kwento ni Piolo, sa ospital talaga siya noon nagtatrabaho. Ngunit dahil malapit lamang ang lugar kung saan dinadaos ang Oscars, suma-sideline siya bilang security doon.

Read also

Nick Carter sa pagpanaw ng kapatid na si Aaron; "My heart is broken"

"I was working in a hospital. I was doing odd jobs. You know in the States, you have to do everything... Una akong pinasok ng mommy ko sa hospital where she was working in as an admitting ER representative slash clerk. So I was admitting patients in the admitting. I was doing a midnight shift sa ER nag-aadmit ng patients. Information lang, Even 'dun sa ER bed kumukuha ng information, insurance and everything," pagbabalik-tanaw ni Piolo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"On the side, I worked as a security guard for the Oscars which is near our place. It was a good experience for me. Because I saw all the Hollywood stars."

Isa umano siya sa security team na nakapalibot sa mga kilalang mga artista sa Hollywood. Hindi nga lang siya nakapagpakuha ng larawan sa kahit isa sa mga ito dahil mahigpit itong ipinagbabawal sa kanila.

Read also

Isabelle sa pagpapalaki ng inang si Gloria Diaz; "Never naming na-feel na sobrang yaman kami"

Aniya, ito ay noong panahon ng kasagsagan ng kasikatan ng pelikulang Titanic na pinagbibidahan ni Leonardo Di Caprio at ni Kate Winslet.

Narito ang kabuuan ng masayang kwentuhan nila ni Korina mula sa YouTube channel ng Net25:

Si Piolo Pascual ay isang aktor, singer at modelo sa Pilipinas. Isa si Piolo sa mga tinitingalang leading man mapa-telebisyon man o pelikula.

Samantala, una nang nakapanayam ni Korina sa kanyang programang 'Interviews' ay ang kapwa niyang broadcast journalist na si Karen Davila.

Makulit at masaya ang naging usapan nila roon lalo na nang aminin ni Karen na 'nakakatakot' noon si Korina kaya naman hindi niya ito kinakausap.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel