Xian Lim, pinakilig ang KimXi fans sa kanyang reaksiyon sa picture ni Kim Chiu

Xian Lim, pinakilig ang KimXi fans sa kanyang reaksiyon sa picture ni Kim Chiu

- Nag-post si Xian Lim ng video niya na nag-da-drive at nakita niya ang picture ni Kim Chiu

- Aniya, pakiramdam niya ay lagi siyang na-la-love at first sight tuwing nakikita ang girlfriend na si Kim

- Tinitingnan nito ang picture ng aktres habang pangiti-ngiti at kinalaunan ay ngumuso na tila hinahalikan ang picture ng girlfriend niya na nasa isang truck na nadaanan niya

- Kinilig naman ang mga fans nila dahil sa hirit na ito ni Xian na nagbahagi din ng message para kay Kim sa kaarawan nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinakiligan ang post ni Xian Lim kung saan nadaanan niya ang picture ni Kim Chiu na nasa isang delivery truck. Aniya, pakiramdam niya ay lagi siyang na-la-love at first sight tuwing nakikita ang girlfriend na si Kim.

Read also

Maggie Wilson, nag-post ng picture kasama ang kanyang ina

Xian Lim, pinakilig ang KimXi fans sa kanyang reaksiyon sa picture ni Kim Chiu
Xian Lim, pinakilig ang KimXi fans sa kanyang reaksiyon sa picture ni Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram
Yung pakiramdam na lagi ka nalang nala-love at first sight. Inaano ba kita @chinitaprincess ??

Tinitingnan nito ang picture ng aktres habang pangiti-ngiti at kinalaunan ay ngumuso na tila hinahalikan ang picture ng girlfriend niya na nasa isang truck na nadaanan niya.

Kinilig naman ang mga fans nila dahil sa hirit na ito ni Xian na nagbahagi din ng message para kay Kim sa kaarawan nito,

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Xiiiii pinapakilig nyo na naman kami
Cute mo Xian inataki ako ng kilig waaaaahhhh
Hihi love it!!! Grabe to mgpakilig c Xian!

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Read also

Pauleen Luna, tawang-tawa nang mahuli si Vic Sotto na inuubos ang kanyang tirang pagkain

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim. Naibahagi din ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Samantala, napa-head stand si Kim sa It's Showtime matapos siyang pasayawin ng kanyang mga co-hosts. Si Jhong Hilario na tinaguriang "sample king" ang nauna at talaga namang lahat ang kanyang co-hosts ay bumilib sa walang kupas na husay ni Jhong sa pagsasayaw. Kinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtangka nitong mag-head stand dahil nasubsob ng kaunti ang kanyang ulo. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang mga co-hosts sa pagtayo matapos ang kanyang performance.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel