Pauleen Luna, tawang-tawa nang mahuli si Vic Sotto na inuubos ang kanyang tirang pagkain

Pauleen Luna, tawang-tawa nang mahuli si Vic Sotto na inuubos ang kanyang tirang pagkain

- Ibinahagi ni Pauleen Luna ang video na kuha sa kanilang bahay habang nakaupo sila ng asawang si Vic Sotto

- Makikitang tumayo si Pauleen para isara ang sliding door dahil sa lakas ng buhos ng ulan

- Dali-daling kinuha ni Vic ang natitirang slice ng pinya sa plato ni Pauleen nang tumayo ito

- Maririnig naman ang tawa ni Pauleen nang makita ang ginawa ni Vic

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Pauleen Luna ng nakakaaliw na video na kuha sa bahay nila. Ani Pauleen, wala siyang dull moments kapag kasama niya ang kanyang asawa.

Pauleen Luna, tawang-tawa nang mahuli si Vic Sotto na inuubos ang kanyang tirang pagkain
Pauleen Luna, tawang-tawa nang mahuli si Vic Sotto na inuubos ang kanyang tirang pagkain (@pauleenlunasotto)
Source: Instagram

Makikita sa video na napatayo si Pauleen upang isara ang pinto dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Mabilis namang dinampot ni Vic ang ani Pauleen ay last slice ng pineapple na kinakain niya.

Read also

Kris Aquino, nabanggit na hindi pa rin nakakakain; nilinaw na wala siyang cancer

Hindi naman nakaligtas si Bossing at nakita siya ni Pauleen. Dahil dito ay natawa na lang siya. Ayon pa kay Pauleen, ayos na sa kanya na si Vic na ang kumain ng kanyang mga "last bites".

No dull moment with my husband! Love you @mzet280 K fine you can have all my last bites!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Pauleen Luna ay isang aktres at isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Kilala rin siya bilang si "Poleng" dahil sa galing niya sa panggagaya ng boses batang babae. Si Pauleen ay kinasal sa kanyang co-host na si Vic Sotto noong Enero 30, 2016. Ipinanganak ni Pauleen ang unang baby nila ni Vic noong November 6, 2017.

Kinaaliwan ang ibinahagi ni Pauleen na masayang kulitan nila kasama ang anak na si Tali at asawang si Vic. Nakipaglaro ang mag-asawa sa anak nila sa isang inflatable kiddie pool na mayroong slide. Hindi naman maitago sa mukha ng kanilang anak na makasama ang kanyang mommy at daddy. Marami sa mga netizens ang naaliw sa masayang bonding moment ng pamilya ni Bossing Vic.

Read also

Fashion blogger na si Bryan Boy, deadma na sa rice; ibinida ang "Fendi pasta"

Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Pauleen sa kanyang Instagram account. Ito ay ang video ng anak na si Tali kung saan tinuturo nito ang picture ng kanyang Tito Wally Bayola na kasama sa wedding pictures ng kanyang mga magulang. Inilarawan ni Tali ang kanyang Tito Wally na wala umano itong buhok at mukha daw itong squid. Matapos matawa ng kanyang ina, kinatwiran ni Tali na kaya niya nasabing mukhang squid ang kanyang Tito Wally ay dahil wala umanong buhok ang mga squid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel