Francine Diaz, binahagi ang bakasyon sa South Korea kasama ang buong pamilya

Francine Diaz, binahagi ang bakasyon sa South Korea kasama ang buong pamilya

- Binahagi ni Francine Diaz ang video na kuha sa bakasyon nila ng kanyang buong pamilya sa South Korea nitong nakaraang Disyembre

- Hindi maitago ng magkakapatid ang kasiyahan sa kanilang bakasyon kung saan iba-ibang pasyalan din ang kanilang pinuntahan

- Personal din silang nakapanuod ng exhibition match ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Korea

- Marami ang natuwa kay Francine na kahit may kakayahan nang gumastos para sa sarili niya ay hindi kinakalimutan ang kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kasama ni Francine Diaz ang kanyang buong pamilya sa bakasyon niya sa South Korea noong Disyembre. Marami ang natuwa kay Francine na kahit may kakayahan nang gumastos para sa sarili niya ay hindi kinakalimutan ang kanyang pamilya.

Francine Diaz, binahagi ang bakasyon sa South Korea kasama ang buong pamilya
Francine Diaz, binahagi ang bakasyon sa South Korea kasama ang buong pamilya (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Ito din ang panahong nagkaroon ng exhibition match si Pambansang Kamao Manny Pacquiao kaya personal silang nakapanood ng match.

Read also

Rabiya Mateo, nakapundar ng 200-square meter na property para sa ina

Binahagi din ni Francine sa kanyang vlog ang iba-ibang pasyalan din ang kanilang pinuntahan kabilang ang Gyeongbokgung Palace at amusement park.

Narito ang mga komento ng ilang nakapanood sa vlog ni Francine:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

So proud of you Francine❤️ nadala mo pamilya mo dahil sa sipag mo, ikaw Ang modelo ng kabataan, sana ganyan din mga anak ko. francine
Sobrang happy and proud ako for Francine. Another check sa kanyang bucket list. Ang makapagtravel kasama ang buong family nya sa ibang country. At such a young age, natupad nya na. She's family oriented talaga eversince, family first sya
Si chin talaga magandang modelo para sa mga bata , family oriented napaka kulit at sweet, di siya pasosyal, ramdam mo masaya siya kasmaa family niya

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Read also

Trina Candaza, humirit tungkol sa kaliwaang pag-iiwan sa pamilya

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel