Ina ni Jorhomy Rovero, labis na nagpasalamat sa mga taong tumulong at nakiramay sa kanila
- Labis na labis ang pasasalamat ng ina ni Jorhomy 'Jho' Rovero sa lahat ng mga taong tumulong at nakiramay sa kanilang pamilya
- Disyembre 30 nang ihatid si Jho ng kanyang mga mahal sa buhay sa kanyang hihimlayan
- Aminado mang malungkot sa maagang pagkawala ng anak, alam niyang wala na umano itong iindahing karamdaman
- Si Jho Rovero ang fiancee ng aktor na si Andrew Schimmer na nagpakita ng katatagan sa pag-aalaga sa kanya hanggang sa huli
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nag-post si Josephine Dela Rosa Penaranda, ang ina ni Jorhomy 'Jho' Rovero ng pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kanilang pamilya simula nang magkaroon ng karamdaman si Jho hanggang sa huling sandali nito.
Nalaman ng KAMI na kanya niya itong ibinhagi isang araw matapos nilang maihatid sa huling hantungan ang kanyang anak at fiancee naman ng aktor na si Andrew Schimmer.
"Sa lahat po ng nakiramay sa amin maraming salamat po sa inyong lahat...at sa mga taong mula umpisa ng journey ng anak kong si jho kasama namin kayo thank you so much po ganun din po sa lahat ng nagbigay ng help sobrang nagpapasalamat po ang pamilya namin," panimula ni Josephine.
"Sa mga nurs ng st lukes at sa mga nag alaga sa kanya n personal nurs niya at caregiver at sa mga doctors n nag alaga sa kanya sa loob ng isang taon salamat po," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Aminado mang malungkot sa maagang pagpanaw ng anak, alam niyang wala na itong iniindang karamdaman.
"Masakit at mahirap pero alam namin n wala n siyang pain n mararamdaman sa piling ng Panginoon"
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.
Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.
Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh