Darryl Yap, inalmahan ang mga nagsasabi umanong flop ang 'My Teacher'

Darryl Yap, inalmahan ang mga nagsasabi umanong flop ang 'My Teacher'

- Inalmahan ng direktor na si Darryl Yap ang mga nagsasabi umanong flop ang 'My teacher'

- Pelikula ito ni Toni Gonzaga at entry sa Metro Manila Film Festival 2022 na pinagbibidahan din ni Joey de Leon

- Base sa mga mga inilalabas na ranking, hindi makapasok sa top 4 movies ng MMFF ang naturang pelikula

- Kaya naman agad na nahuhusgahan umano ito na hindi pumatok sa takilya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Inalmahan ng 'Maid in Malacañang' dirketor na si Darryl Yap ang mga nagsasabing 'flop' di umano ang pelikula ni Toni Gonzaga na 'My Teacher.'

Darryl Yap, inalmahan ang mga nagsasabi umanong flop ang 'My Teacher'
Photo: Darryl Yap
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang pelikulang ito ang entry ng mister ni Toni na si Paul Soriano sa Metro Manila Film Festival 2022. Kasama ni Toni sa naturang pelikula sina Joey de Leon at tambalan nina Loisa Andalio at Ronie Alonte.

Matatapang ang naging patutsada ni Darryl sa mga bumabatikos at namba-bash sa pelikula nina Toni G matapos na hindi manlang umano ito makapasok sa top 4 movies sa tumatabo sa takilya mula nang mag-showing ito noong Araw ng Kapaskuhan.

Read also

Darryl Yap, binago ang title ng kanyang pelikula sa PH cinema

Sa kanyang mga Facebook post, maanghang na salita ang nabitawan ng direktor kung saan siya umano'y kilala.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Base sa mga inilalabas ng unofficial rankings ng The Summit Express, nangunguna umano sa takilya ang 'Partner's in Crime' nina Vice Ganda at Ivana Alawi. Gayundin ang pelikula ng MMFF 2022 Best Actress Nadine Lustre ang 'Deleter.' Sinundan naman ito ng family Matters at Love with accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Samantala, si Si Darryl Yap ay isa sa mga kilalang bagong direktor sa Pilipinas. Naging kontrobersyal siya dahil sa kanyang VinCentiments series at short films na may kakaibang atake sa pagtalakay sa iba't ibang isyu sa ating bansa.

Isa na rito ang 'Len-Len series' na pinagbidahan ni Senator Imee Marcos at ng komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica