Angel Locsin, binahagi ang tunay na diwa ng Pasko para sa kanya
- Sa video ni Angel Locsin ay nagbahagi siya ng kanyang pagbati at mensahe ngayong Kapaskuhan
- Para sa kanya, ang tunay na diwa ng Pasko ay kung ano ang tunay na binubulong ng puso
- Maari umanong maibahagi ang laman ng puso kagaya ng kagustuhang maibahagi ang mga biyaya
- Matapos ang mahabang panahon ng pamamahinga sa social media, ito ang unang video na binahagi ni Angel
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbahagi si Angel Locsin ng video kung saan inihayag niya ang kanyang pagbati at mensahe ngayong kapaskuhan. Para umano sa kanya, ang tunay na diwa ng Pasko ay kung ano ang tunay na binubulong ng puso.
Aniya, maaring ito ay maaring para sa mga taong nais pakitaan ng pagmamahal, patawarin o nais bahagian ng biyaya.
Dagdag pa niya dapat ay pinapakita ang mga nilalaman ng puso at huwag lang itago. Aniya, maaring simulan ito ngayong Pasko.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.
Matatandaang sa kanyang post kung saan ibinahagi niyang litrato nila ni Kris Aquino, isang netizen ang nagkomento sa post ni Angel. Inalmahan ni Angel ang komento nito na "Mabuhay ang NPA" at sinita ng aktres ang kanyang pang-re-redtag. Maging si Neil Arce ay umalma din at pabirong sinabi na siguro umano ay naniniwala din ito sa Tallano gold. Matatandaang dati nang naging biktima ng red-tagging ang kapatid ni Angel na kanyang inalmahan hanggang sa magkausap sila ng military official na si Parlade.
Sa kanyang pinakahuling vlog, kasama nina Angel at Neil ang ina ni Neil sa kanilang bakasyon sa Spain. Binahagi ng mag-asawa ang kanilang masayang pamamasyal sa Madrid. Nakipagkulitan din ang biyenan ni Angel sa kanila na siya pang kumukuha ng video at pictures sa mag-asawa. Marami naman ang natuwa sa pagiging malapit ng mag-asawa sa ina ni Neil dahil kasama pa nila ito sa kanilang bakasyon.
Source: KAMI.com.gh