Ogie Diaz, napansing wala umano sa mood si Ricci Rivero habang kausap niya si Andrea B

Ogie Diaz, napansing wala umano sa mood si Ricci Rivero habang kausap niya si Andrea B

- Nakapanayam ni Ogie Diaz si Andrea Brillantes sa party ni Ruru Madrid na pareho nila dinaluhan

- Napansin nitong tila wala sa mood si Ricci na katabi lamang ni Andrea

- Gayunpaman masayang ibinalita ni Andrea na katatapos lamang ng 8th monthsary nila ni Ricci

- Matatandaang naiulat kamakailan ni Ogie D na si Andrea Brillantes ang gaganap bilang bagong Dyesebel sa seryeng ipalalabas sa 2023

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napansin ni Ogie Diaz na tila wala umano sa mood si Ricci Rivero habang kinakapanayam naman niya si Andrea Brillantes.

Ogie Diaz, napansing wala umano sa mood si Ricci Rivero habang kausap niya si Andrea B
Ricci Rivero and Andrea Brillantes (@ricciirivero)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na dumalo sina Andrea at Ricci ng birthday party ni Ruru Madrid kung saan naroon din si Ogie D.

Pinansin ni Ogie si Andrea na tila blooming umano at ang lalo raw gumaganda.

"Bakit lalong gumaganda si Andrea? Dahil sa katabi mo?" ani Ogie Diaz na ang tinutukoy na katabi ni Andrea ay ang boyfriend nitong si Ricci.

Read also

Ogie Diaz, may payo kay Marco Alcaraz matapos na umano'y ma-bash sa kanyang song number

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Actually kaka-eight months lang namin kahapon. Wala lang kasi po gusto naming mag-stay pa... Nagtagal naman kami kasi, mabait naman siya eh," ani Andrea.

Subalit mapapansin na sa sandaling nakapanayam ni Ogie D si Andrea, di kailanman lumingon si Ricci.

"Parang wala siyang ganang kausap pero okay lang...Baka wala lang sa mood ang lolo mo,," ani Ogie.

Matatandaang si Ogie D rin ang nagbalitang si Andrea Brillantes ang gaganap bilang bagong Dyesebel.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Vice Ganda, nagpasalamat matapos ang magagandang reviews sa pelikula nila

Kamakailan, ibinahagi rin ni Ogie Diaz na si Andrea Brillantes ang napili bilang gaganap na Dyesebel saerye na mapapanood sa susunod na taong 2023.

Nagkaroon na rin umano ng teaser para sa bagong serye kung saan si Andrea naman ang bibida sa role na minsan na ring ginampanan ni Anne Curtis. Matatandaan ding kasama noon sa serye sa Ogie Diaz.

Marami ang nagtatanong kung marunong daw bang maglangoy si Andrea. Nabanggit din ni Ogie na isa pala umanong diver ang ina nito kaya naman tila noon pa man ay handang-handa na sa role na Dyesebel ang aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel