Misis ni Jovit Baldivino, labis na nahirapan tanggapin ang pagpanaw ng mister

Misis ni Jovit Baldivino, labis na nahirapan tanggapin ang pagpanaw ng mister

- Inilabas ng misis ni Jovit Baldivino na si Camille Ann Miguel ang kanyang saloobin sa isang Facebook post

- Inihayag nito ang mga bagay na kanyang ma-mimiss sa kanyang partner na aniya ay kasama niya sa mga maraming plano nila sa buhay

- Kasama pa umano sa plano nila ang maikasal at plano pa daw nila na magkaroon pa sana ng anak

- Aniya, kahit wala na si Jovit ay susuportahan pa rin niya ang pamilya nito na aniya ay pamilya na rin niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pagdadalamhati ni Camille Ann Miguel, ang fianceé ng yumaong mang-aawit na Jovit Baldivino, naibahagi niya ang mga bagay na aniya ay nakasanayan niya noong kasama pa niya si Jovit. Kasama pa umano sa plano nila ang maikasal at plano pa daw nila na magkaroon pa sana ng anak.

Misis ni Jovit Baldivino, labis na nahirapan tanggapin ang pagpanaw ng mister
Misis ni Jovit Baldivino, labis na nahirapan tanggapin ang pagpanaw ng mister (@jovitbaldivino)
Source: Instagram

Sa facebook post ni Camille, inihayag niya kung gaano siya nahihirapan na tanggapin na hindi na niya makakasama si Jovit. Gayunpaman, aniya ay kahit wala na si Jovit ay susuportahan pa rin niya ang pamilya nito na aniya ay pamilya na rin niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jovit Baldivino ay kilalang mang-aawit na unang sumikat matapos niyang sumali at nanalo sa reality talent show na Pilipinas Got Talent noong taong 2010. Nagkaroon sila ng anak ng kanyang dating karelasyon na si Shara Chavez. Matatandaang naging kontrobersiyal ang paghihiwalay ng dalawa dahil sa mga akusasyon laban sa mang-aawit.

Sa paglabas ng balita tungkol sa pagpanaw ng mang-aawit, marami sa mga netizens ang sumariwa sa kanyang performance sa Pilipinas Got Talent kung saan siya ang tinanghal na panalo at nag-uwi ng P2 milyon. Matatandaang si Jovit ang nakatanggap ng malaking bilang ng boto noong panahon na iyon na naging daan sa kanyang pagkapanalo na kinalaunan ay nagbukas ng oportunidad sa kanya bilang sikat na mang-aawit.

Naipakita sa TV Patrol ang kaganapan sa burol ni Jovit nitong gabi. Simple lang ito at nakalagak ang kanyang labi sa tahanan ni Jovit sa Rosario, batangas. Makikita ang labis na pagdadalamhati ni Camille Ann Miguel, ang fianceé ni Jovit. Naibahagi niya yung panahon na unresponsive na umano Jovit sa ospital ngunit tumutulo ang luha kapag kinakausap niya umano.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel