Wilbert Tolentino, umalma sa umano'y unauthorized appointment ng Miss Planet PH

Wilbert Tolentino, umalma sa umano'y unauthorized appointment ng Miss Planet PH

- Naglabas ng pahayag si Wilbert Tolentino kaugnay sa umano'y hindi otorisadong pag-appoint ng kandidata sa Miss Planet

- Sa kanyang post, sinabi niyang bilang National Director ng Ms. Planet Philippines siya lang ang otorisadong mag-appoint ng kakatawan sa Pilipinas sa naturang pageant

- Aniya dahil sa hindi magandang pangyayari sa naunsyaming pageant sa Uganda, napagpasyahan niyang huwag nang magpadala ng kinatawan sa gaganaping Miss Planet pageant sa Cambodia

- Handa umano siyang magsampa ng kaso sa taong nag-appoint ng representative sa bansa sa naturang pageant

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Wilbert Tolentino ang umano'y hindi otorisadong pag-appoint ng kandidata sa Miss Planet. Handa umano siyang magsampa ng kaso sa taong nag-appoint ng representative sa bansa sa naturang pageant.

Wilbert Tolentino, umalma sa umano'y unauthorized appointment ng Miss Planet PH
Wilbert Tolentino, umalma sa umano'y unauthorized appointment ng Miss Planet PH (@sirwil75)
Source: Instagram

Aniya, bilang National Director ng Ms. Planet Philippines siya lang ang otorisadong mag-appoint ng kakatawan sa Pilipinas sa naturang pageant. Siya umano ang may hawak ng exclusive franchise ng Miss Planet sa bansa kaya siya lamang ang otorisadong mag appoint ng kandidata.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino entrepreneur na nakilala nang tanghalin siyang Mr. Gay World Philippines in 2009. Naging manager din siya ng ilang sikat na social media personalities kagaya nina Madam Inutz at Herlene Budol.

Matatandaang diretsahang sinagot ni Wilbert ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin. Nilinaw ng manager ni Herlene na noong nag-inquire sa kanya ay hindi pa nakapag sign ng contract sa Binibining Pilipinas si Herlene. Ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.

Kinalaunan ay nagsalita na rin si Herlene Budol kaugnay sa isyung lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na ang ugali niya. Ito ay matapos umano ang tinatamo niyang kasikatan matapos niyang sumalang sa Binibining Pilipinas kung saan tinanghal siyang first runner up. Ani Herlene, sa kasalukuyan ay hindi na lang sa kanya nanggagaling ang desisyon at dapat niyang isa-alang-alang ang desisyon ng mga taong nag-aalaga sa kanya. Matatandaang nauna na ring inalmahan ng manager niyang si Wilbert Tolentino ang isang blind item na aniya ay alam niyang si Herlene ang tinutukoy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel