Tweet ukol sa mga encounter kay Alex Gonzaga, nagmistulang big reveal ayon kay Ogie D

Tweet ukol sa mga encounter kay Alex Gonzaga, nagmistulang big reveal ayon kay Ogie D

- Tila naging big reveal ang kabi-kabilang mga tweet tungkol umano sa iba't ibang encounter ng netizens kay Toni Gonzaga

- Matapos kasi ang insidente kung saan nagawa ni Alex na pahiran ng icing ng kanyang cake ang isang waiter, maraming negatibong komento ang naibato sa host-comedienne

- May ilan na nagpakilalang dating production staff ng ilang proyekto ni Alex at sinabing iba umano ang ugali nito

- Matatandaang tila tumutugma ito sa naging pahayag ni Dina Bonnevie na bagama't hindi napangalanan, pansin ng netizens na si Alex ang umano'y tinutukoy nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapos ang kontrobersyal na icing-smearing issue ni Alex Gonzaga, nag-trending naman ito sa Twitter.

Tweet ukol sa mga encounter kay Alex Gonzaga, nagmistulang big reveal ayon kay Ogie D
Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na matapos ang naturang insidente, kabi-kabilang mga komento ng netizens ang nai-tweet patungkol sa mga naging karanasan 'di umano nila kay Alex.

Read also

Ogie Diaz, pinaalalahanan si Alex Gonzaga kaugnay cake issue nito kamakailan

Ayon kay Ogie Diaz sa kanyang pinakabagong Showbiz Update, ilan pa sa mga nag-tweet ay nagpakilalang naging production staff ng naging proyekto ni Alex.

"Isa-isa na rin umanong naglalabasan ang mga kwento sa 'di umano'y pangit na pag-uugali ni Alex," ani Ogie D.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mula sa kani-kanilang encounter kay Alex ay nagmistulang big reveal ito ukol sa kung paano makisama si Alex sa mga nakakatrabaho.

Matatandaang minsan na ring gumawa ng ingay sa social media ang pangalan ni Alex matapos na ito ay maiugnay sa aktres na tinutukoy 'di umano ni Dina Bonnevie.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie Diaz kaugnay sa kinakaharap na isyu ni Alex.

Si Alex Gonzaga ay isang komedyante, host at vlogger ng Pilipinas. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Kasalukuyang trending si Alex sa Twitter dahil sa nagawa nito sa isang waiter sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan kamakailan.

Read also

Indian passenger ng eroplanong nag-crash sa Nepal, na-FB Live ang mga huling sandali

Habang isinusulat ang artikulong ito, nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y naagrabiyado.

Samantala, sa naturang episode din ng Showbiz Update, pinaalalahanan din ni Ogie Diaz si Alex na maging conscious sa ikinikilos nito lalo na kung may nakatutok umano sa kanyang camera o mayroong naka-live stream sa kanyang mga kasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel