Ogie Diaz, pinaalalahanan si Alex Gonzaga kaugnay cake issue nito kamakailan

Ogie Diaz, pinaalalahanan si Alex Gonzaga kaugnay cake issue nito kamakailan

- May paalala si Ogie Diaz kay Alex Gonzaga sa kinakaharap nitong issue kamakailan

- Labis na naging kontrobersyal ang pagpahid ng icing nito sa noo ng waiter na may hawak ng kanyang cake

- Dahil sa naging reaksyon ng waiter na tila hindi nakatawa sa ginawa ni Alex, umani na ito ng negatibong komento para sa celebrity

- At ngayon lamang enero 18, isang pirmadong pahayag ng waiter ang nagsabing humingi na umano ng tawad sa kanya si Alex Gonzaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinaalalahanan ni Ogie Diaz si Alex Gonzaga kaugnay na kinakaharap nitong 'cake issue' na nangyari pa umano sa birthday celebration nito.

Ogie Diaz, pinaalalahanan si Alex Gonzaga kaugnay cake issue nito kamakailan
Dyosa Pockoh, Ogie Diaz at Tita Jegs (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay tungkol sa maiksing video ng kung saan matapos siyang kantahan ng mga bisita, nagawa nitong magpahid ng icing sa noo ng waiter na may hawak nito.

Read also

Cristy Fermin sa 46th birthday ni Piolo Pascual: "Kung saan maligaya, ibigay natin sa kanya"

Samu't saring reaksyon ang ibinato sa host/comedienne base umano sa reaksyon ng waiter na tila hindi natuwa sa kanyang nagawa.

"Kahit naman walang meaning sa'yo yun, kahit laro lang naman sa'yo 'yun, Pero sa iba sineryoso kasi nga hindi masyadong nakatawa 'yung waiter. So feeling ko lang, medyo bwisit sa'yo yung waiter Alex," ani Ogie D ukol sa nangyari.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaya naman paaalala ni Ogie na dapat maging conscious na sa susunod si Alex lalo na kung may nakatutok na camera sa kanya.

Dapat siguro maging alerto tayo lalo na kung may nakatutok na camera. Lalo na kung naka-live ito sa IG 'di ba.

Ang mga live videos pa naman umano ay aktwal na kuha sa mga kaganapan kaya naman kung agad itong napanood ng publiko, madali talagang mahuhusgahan ang kung sino o kung anoman ang nasa video.

Read also

Trina sa oras ni Carlo sa anak; "Mithi doesn't deserve na may kahati sa time"

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, humingi na umano ng tawad si Alex sa waiter. Sa isang pirmadong pahayag ng waiter, nasabi ng personal na nag-sorry sa kanya ang nakababatang kapatid ni Toni.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Alex Gonzaga ay isang komedyante, host at vlogger ng Pilipinas. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Kasalukuyang trending si Alex sa Twitter dahil sa nagawa nito sa isang waiter sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel