Matet de Leon, emosyonal na idinetalye ang tungkol sa pagkumpetensiya ng ina sa negosyo niya

Matet de Leon, emosyonal na idinetalye ang tungkol sa pagkumpetensiya ng ina sa negosyo niya

- Minabuti ni Matet de Leon na ibahagi ang totoong pangyayari sa kontrobersiyal niyang post

- Kaugnay ito sa umano'y negosyo ng mommy niya na si Nora Aunor ng produkto na parehas na parehas sa produkto niya

- Pakiramdam umano niya ay hindi man lang naisip ng kanyang ina ang mararamdaman niya

- Hindi niya napigilang maiyak habang binabahagi ang kanyang saloobin kaugnay dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Matet de Leon, hindi siya kaagad nag-post nang una niyang malaman ang tungkol sa negosyo ng inang si Nora Aunor. Gayunpaman, nang malaman niya ay iniyak niya umano ito sa mga kapatid niya dahil pakiramdam niya ay trinaidor umano siya.

Nora Aunor attends "Thy Womb" Premiere during The 69th Venice Film Festival at the Palazzo del Cinema on September 6, 2012 in Venice, Italy. (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Nora Aunor attends "Thy Womb" Premiere during The 69th Venice Film Festival at the Palazzo del Cinema on September 6, 2012 in Venice, Italy. (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Source: Getty Images

Napag-alaman na lang umano niya na naipost na ang produktong ito ng ina at may nakalagay nang detalye tungkol sa produkto na parehas na parehas sa binebenta nina Matet at ng kanyang mister.

Read also

Pagtatagpo nina Matet de Leon at Nora Aunor, umantig sa mga netizens

Aniya, ramdam na ramdam niya ang pagiging ampon niya dahil sa ginawang ito sa kanya.

“How do I feel about it? I feel very sad. I feel betrayed. Para akong trinaydor. Para akong… grabe, ampon na ampon yung pakiramdam ko ngayon mga tol. Ang lakas makaampon nung ginawa nila. Ang lakas makaampon, damang-dama ko pagkaampon ko.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil umano dito ay pakiramdam niya ay hindi siya trinatong tunay na anak dahil aniya, walang magulang na gagawa ng ganoon sa kanilang anak.

Si Nora Aunor o Nora Cabaltera Villamayor ay sumikat sa mundo ng showbiz hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi maging sa kanyang pag-awit. Naging film producer na rin siya kinalaunan. Nakilala siya sa bansag na "Superstar" at isinusulong ng marami na maging National Artist.

Samantala, nauna nang binuweltahan ni Lotlot de Leon ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post kaugnay sa lumabas na balita at litrato na nagsasabing hindi siya kasama sa mga kapatid niya na pumunta sa kanilang inang si Nora Aunor. Ayon sa netizen na nagkomento, masyado na umanong tinitiis ni Lotlot ang ina gayong ito ang umampon sa kanya.

Read also

Matet de Leon, aminadong mali siya nang sabihing hindi na niya kakausapin ang ina

Kamakailan ay inihayag ni Nora ang kanyang kasiyahan na nakasama niya ang kanyang mga anak at mga apo. Ito ay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan kasama ang mga taong malalapit sa kanya. Kabilang sina Matet at Ian De Leon sa mga nakasama niya sa kanilang simpleng selebrasyon. Aniya, halos limang araw silang nagkasama sa Bicol at lubos niyang pinagpasalamat na nakasama niya ang kanyang mahal sa buhay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel