Jennica Garcia tungkol sa relasyon nila ni Alwyn: "We tried but it didn't work out"

Jennica Garcia tungkol sa relasyon nila ni Alwyn: "We tried but it didn't work out"

- Iwas si Jennica Garcia na magbigay ng detalye tungkol sa relasyon nila ni Alwyn Uytingco

- Gayunpaman, aniya ang masasabi niya lamang ay sinubukan nila ngunit hindi raw nag-workout

- Hindi na rin siya sumagot sa tanong kaugnay sa usapan nila pagdating sa kanilang dalawang anak na sina Mori at Severina

- Matatandaang nabanggit noon ni Jennica na ayaw niya nang ibahagi ang tungkol sa isyu nila matapos naging usap-usapan ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Alwyn

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tipid ang sagot ni Jennica Garcia sa tanong kaugnay sa relasyon nila ni Alwyn Uytingco. Sa video na binahagi ng ABS-CBN entertainment writer na si Kiko Escuadro, aniya ang masasabi niya lamang ay sinubukan nila ngunit hindi raw nag-workout.

Jennica Garcia tungkol sa relasyon nila ni Alwyn: "We tried but it didn't work out"
Jennica Garcia tungkol sa relasyon nila ni Alwyn: "We tried but it didn't work out" (@jennicauytingco)
Source: Instagram
"Sorry po no questions regarding Alwyn. Wala akong masasabi kundi we tried but it didn't work out. Yun lang po talaga."

Read also

Trina, naikwento ang pagtawag ni Mithi sa iba ng 'Daddy'; "Siyempre may kirot sa puso'

Hindi na rin nagbigay ng komento si Jennica nang tanungin tungkol sa naging pag-uusap nila ni Alwyn kaugnay sa kanilang dalawang anak.

"Sorry po, I will not comment, sorry po."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang nabanggit noon ni Jennica na ayaw niya nang ibahagi ang tungkol sa isyu nila matapos naging usap-usapan ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Alwyn.

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Francine Diaz, pinagbigyan ang ilang Korean na gusto magpapicture sa kanya

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel