Joshua Garcia sa pamamahinga niya sa vlogs; "'Di lang talaga siya para sa akin"

Joshua Garcia sa pamamahinga niya sa vlogs; "'Di lang talaga siya para sa akin"

- Natanong ni Ogie Diaz si Joshua Garcia tungkol umano sa pagtigil nito sa pagba-vlog

- Kapansin-pansin kasi ang pamamahinga nito sa kanyang YouTube channel at TikTok

- Sakali man siya'y bumalik, sisiguraduhin niyang kakaiba ang kanyang ibabahagi sa kanyang followers

- Gayunpaman, prayoridad ni Joshua ang pag-arte kaysa sa paggawa ng sarili niyang vlog

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nausisa ni Ogie Diaz si Joshua Garcia kung bakit wala na itong bagong vlog o TikTok video.

Joshua Garcia sa pamamahinga niya sa pagba-vlog; "'Di lang talaga siya para sa akin"
Joshua Garcia (@garciajoshuae)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naibahagi ni Ogie D ang panayam niya kay Joshua Garcia kung saan nasabi ng aktor na tila hindi para sa kanya ang pagba-vlog.

Siya raw kasi mismo ang nag-eedit ng mga video niya noon lalo na sa kasagsagan ng pandemya kung saan nagmistulang pantanggal bagot ng mga tao ang panonood o paggawa ng videos.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"'Di lang talaga siya para sa akin, para siya sa ibang tao talaga. Saka pag-arte lang ang kaya kong gawin,"ayon sa aktor na prayoridad ang pag-arte.

"Tagal kong tinigilan ang vlog. Nag-vlog lang ako nung pandemic kasi wala akong magawa nasa bahay ka lang. E nung time na yun yung ang trend e, halos lahat ng artista nagba-vlog. Sabi ko why not, Pero malalaman ko pag para sa'yo," paliwanag pa niya.

"Kung sakali mang magbalik ako, may content ako na maibibigay na hindi nakikita ng mga tao talaga. Kasi ngayon halos pare-parehas ang pinapakita nila," dagdag pa ng aktor.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Joshua mula sa Ogie Diaz Showbuz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa isa sa mga episode ni Ogie D sa kanyang Showbiz Update channel, nakapanayam niya si Joshua Garcia na sinabing 'single' daw umano siya ngayon.

Aniya, nakakaramdam siya ng inggit sa umano'y showbiz couples na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na pawang mga kasama niya sa Japan kamakailan.

Naging usap-usapan din ang pahayag ng aktor na si Christian Bables sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz. Nilinaw ni Christian na 'straight' siya taliwas sa pag-aakala ng iba na isa siyang beki dahil sa mga nagiging roles niya kamakailan sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel