Zeinab Harake, pinatunayan ang sinabi ni Donnalyn Bartolome; nilibre si Xian Gaza

Zeinab Harake, pinatunayan ang sinabi ni Donnalyn Bartolome; nilibre si Xian Gaza

- Ayon kay Zeinab Harake, gusto niya lang patunayan ang sinabi ng kaibigang si Donnalyn Bartolome na hindi lahat ng babae ay gustong magpalibre at paalak ng iba

- Ito ang kanyang tugon sa pa-blind item ni Xian Gaza tungkol sa umano'y babaeng influencer na nagbayad nang mahigit P100,000 at hindi siya pinag-ambag

- Pabiro ding sinabi ni Xian na dapat pala ay magpasalamat siya kay Donnalyn at nakatipid siya

- Pinasalamatan niya din si Zeinab para sa umano'y masayang bonding nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilibre ni Zeinab Harake bilang patunay umano sa sinabi ni Donnalyn Bartolome na hindi lahat ng babae ay gustong magpalibre. Ito ang kanyang tugon sa pa-blind item ni Xian Gaza tungkol sa umano'y babaeng influencer na nagbayad nang mahigit P100,000 at hindi siya pinag-ambag.

Zeinab Harake, pinatunayan ang sinabi ni Donnalyn Bartolome; nilibre si Xian Gaza
Zeinab Harake, pinatunayan ang sinabi ni Donnalyn Bartolome; nilibre si Xian Gaza (@facebook.com/christianalbertgaza)
Source: Facebook
Friend pinatunayan ko lang sinasabe ni donna di lahat ng girls need ng libre at paalak ng iba. now you know hahaha yabyuuuu, ani Zeinab.

Pabiro namang sinabi ni Xian na dapat pala ay magpasalamat siya kay Donnalyn at nakatipid siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sabihin mo Xian "Salamat, Donna!" at nakatipid ako. Hahaha! Salamat sa masayang bonding! I'm super happy sa piling mo. Labyu more and more each day... as a friend.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Matatandaang sinagot ni Donnalyn Bartolome ang post ni Xian tungkol sa umano'y mga babaeng nasa VIP table sa sikat na mga club ba kanyang binanggit. Ayon kay Xian, sa bawat story ng mga babaeng ito ay may sugar daddy na hindi kasama sa video. Ani Donnalyn, hindi dapat nilalahat dahil may mga babaeng kayang magbayad nang hindi umaasa sa sugar daddy. Nilinaw niya rin na hindi niya minamaliit ang mga babaeng gumagawa at humingi siya ng dispensa sa ga babaeng aniya ay nasaktan sa post ni Xian.

Kamakailan ay sinagot ni Xian ang post ni Donnalyn Bartolome kung saan inalmahan nito ang pahayag ni Gaza kaugnay sa "babaeng may sugar daddy." Ani Xian, ang kanyang dahilan sa pag-post ay para patamaan ang kanyang "sugar baby" na aniya ay dinala ang boyfriend sa gimikan gamit ang kanyang pinadalang pera. Dagdag pa niya kung may mga nasaktan sa kanyang post ay hindi na niya problema dahil wala naman daw siyang pake sa nararamdaman ng mga ito. Sinagot din ito ni Donnalyn at sinabing malayo umano ang explanation ni Xian sa "pambababa daw nito sa mga babae."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel