RR Enriquez sa bagong post ni Pambansang Kolokoy; "Gigil much si Sawsawera Queen niyo"

RR Enriquez sa bagong post ni Pambansang Kolokoy; "Gigil much si Sawsawera Queen niyo"

- Agad na napa-react si RR Enriquez sa post ni Pambansang Kolokoy kung saan may karga itong bata

- May caption ang post ng tungkol sa posibleng komento ng netizens na 'anak sa pagkakasala'

- Aminado si RR na 'gigil much' siya sa detalye ng caption ni Pambansang Kolokoy

- Kilala si RR Enriquez sa pagiging si 'Sawsawera Queen' sa pagbibigay komento sa maiinit na isyu sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila hindi napigilan ni RR Enriquez na sawsawan agad ang pinakabagong post ni Joel Mondina na mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy.

RR Enriquez sa bagong post ni Pambansang Kolokoy; "Gigil much si Sawsawera Queen niyo"
RR Enriquez (Rr Enriquez Facebook)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang post ay may larawan ni Joel karga ang sinasabing anak nito sa bago nitong partner.

"Kahit ano pa ang sabihin niyo sa anak ko, anak ko pa rin siya. Anak ko siya sa pagkakasala? Walang ganun! Hindi siya ibibigay sa akin ng Diyos kung kasalanan ang aking nagawa," ang caption ng naturang post.

Read also

Ricci Rivero umalma sa post ni Xian Gaza: "Bida-bida ka masyado"

Inalmahan agad ito ni Sawsawera Queen RR na aminadong gigil sa nasabi na ito ni Joel.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"As a Sawsawera Queen I can’t wait to shoot my sawsaw vlog to this post kaya better to say a word now… Mr. Pambansang Kolokoy!!! Blessings ang baby kahit ano pa ang mangyari because they’re innocent. But don’t justify your mistakes by telling everyone na cheating is a blessing ELBOW KITA KOYA YOU LIKE"

Matatandaang gumulantang sa publiko ang paghihiwalay ng vlogger na si Pambansang Kolokoy at misis nitong si Maritess kamakailan. Hindi inaakala ng marami na mauuwi sa hiwalayan ang mag-asawa na madalas makitang masaya sa kanilang mga vlog.

Matapos pa nga ang kanilang rebelasyon, nagawa pa ring magkita at magsama sa isang maiksing video sina Joel at Maritess gayung nami-miss na raw ng kanilang mga subscribers si Maritess at ang mga kulitan nilang mag-asawa sa kanilang mga vlogs.

Read also

Kasalang 'Kathniel', tuloy na tuloy na umano sa 2023 ayon sa source ni Cristy Fermin

Samantala, isa sa pinakaaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'brutally honest opinion' sa iba't ibang mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel