Maymay Entrata sa kanyang bagong Wish Bus performance: "Ayan po ah, hindi nako nakapikit"

Maymay Entrata sa kanyang bagong Wish Bus performance: "Ayan po ah, hindi nako nakapikit"

- Binahagi ni Maymay Entrata ang bahagi ng kanyang bagong pag-awit sa Wish Bus

- Kinanta niya ang kanyang awiting "Pwede Ba" at kitang-kita ang mas naging confident siya sa pagkanta

- Marami din sa kanyang mga kasamahan sa ASAP na kilalang mang-aawit ang bumati kay Maymay sa mahusay na pagkanta nito

- Matatandaang umani ng milyon-milyong views ang unang pagkanta niya sa Wish Bus ng kanyang hit single na "Amakabogera'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Maymay Entrata ang bahagi ng kanyang bagong pag-awit sa Wish Bus kung saan kinanta niya ang awitin niyang "Pwede Ba." Nagbiro pa ito na hindi na siya masyadong pumipikit sa kanyang pagkanta.

Maymay Entrata sa kanyang bagong Wish Bus performance: "Ayan po ah, hindi nako nakapikit"
Maymay Entrata sa kanyang bagong Wish Bus performance: "Ayan po ah, hindi nako nakapikit" (@maymay)
Source: Instagram

Marami din sa kanyang mga kasamahan sa ASAP na kilalang mang-aawit ang bumati kay Maymay sa mahusay na pagkanta nito. Matatandaang umani ng milyon-milyong views ang unang pagkanta niya sa Wish Bus ng kanyang hit single na "Amakabogera'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Maymay Entrata o si Marydale Entrata sa tunay na buhay ay isang actress, singer, television host, at model. Sumikat siya matapos siyang tanghaling big winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7. Naging talent siya ng Star Magic matapos siyang manalo sa PBB. Bumida siya sa romantic comedy film na Loving in Tandem (2017). Ilan pa sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Da One That Ghost Away at Hello, Love, Goodbye. Naging bahagi din siya ng seryeng La Luna Sangre (2017) at Hiwaga ng Kambat (2019).

Lingid sa kaalaman ng marami malapit na magkaibigan pala sina Maymay at Mimiyuuuh. Una umano silang nagkita ni Mimiyuuuh sa Star Magic Ball at simula noon ay nakagaanan nila ng loob ang isa't-isa. Kagaya ni Maymay, madalas umano magsabi ng kanyang problema si Mimiyuuuh sa kaibigan. Kinaaliwan din ang version ng "skrrt" ni Maymay dahil sa kakaibang talento niya sa kanyang braso.

Sa mukbang sa nina Mimiyuuuh at Maymay ay hindi inatrasan ni Maymay ang ilan sa mga nakakaintrigang mga tanong para sa kanya. Kabilang sa natanong ay kung mayroon daw ba siyang hindi magandang karanasan sa isang artista. Hindi naman daw niya maituturing na bad iyon ngunit aniya ay tiningnan siya ng di na niya pinangalanang artista mula ulo hanggang paa at inirapan pa siya. Nangyari raw ito noong bago pa lamang sila nakalabas sa Pinoy Big Brother at pumunta siya sa ASAP para makita nang personal ang mga artista.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel