Brenda Mage, pinakita ang video ng kanyang pagpapaayos ng kanyang ilong

Brenda Mage, pinakita ang video ng kanyang pagpapaayos ng kanyang ilong

- Binahagi ni Brenda Mage ang video ng kanyang pagpunta sa isang aesthetic center para sa kanyang pagpapaayos ng ilong

- Aniya, marami ang nagssasabi sa kanya na huwag na siyang magpaayos ng ilong ngunit dahil gusto niya talaga ay tinuloy niya ang kanyang nose job

- Nilinaw niyang ayaw niyang magpa-rhinoplasty at fillers lamang ang ipapalagay niya

- Nagpa alarplasty din siya para lumiit tingnan ang kanyang ilong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Brenda Mage ang video ng pagpapaayos niya ng ilong kasama ang kanyang kaibigan. Nagpalagay lamang siya ng fillers at Alarplasty ang kanyang pinagawa dahil aniya ay ayaw niyang magpa-rhinoplasty.

Brenda Mage, pinakita ang video ng kanyang pagpapaayos ng kanyang ilong
Brenda Mage, pinakita ang video ng kanyang pagpapaayos ng kanyang ilong (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Dagdag pa ni Brenda, ayaw niyang may ilalagay na silicone sa ilong niya dahil magalaw siya sa stage at pinipisil ng ilan sa mga nagpapapicture sa kanya ang ilong niya.

Read also

Chie Filomeno, inunahan ang netizens: "Alam ko na ano i-cocomment niyo"

Hindi pa pinakita ni Brenda ang resulta ng kanyang nose job ngunit hindi niya maitago ang kanyang excitement sa kakalabasan ng pagpapagawa niya ng ilong.

Dapat ay siya lamang ang magpapaayos ng ilong ngunit, nakumbinsi niya ang kaibigan na magpa-alarplasty at magpalagay ng fillers kagaya ng gagawin sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahaginan lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel