Chie Filomeno, muling pinag-usapan sa binahaging passport size picture

Chie Filomeno, muling pinag-usapan sa binahaging passport size picture

- Usap-usapang muli ang post ni Chie Filomeno kung saan nagbahagi siya ng kanyang passport size picture

- Marami ang nawindang na sa panibagong picture niya ay fresh na fresh ito kagaya sa nag-viral niyang mga ID picture na binahagi

- Matatandaang naging usap-usapan din ang kanyang driver’s license at passport dahil mukha raw itong may make-up, gayong bawal ito

- Sa kanyang TikTok ay nagturo pa si Chie kung paano maglagay ng make-up nang hindi gaanong halata

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapang muli ang post ni Chie Filomeno kung saan nagbahagi siya ng kanyang passport size picture. Marami ang nawindang na sa panibagong picture niya ay fresh na fresh ito kagaya sa nag-viral niyang mga ID picture na binahagi.

Chie Filomeno, muling pinag-usapan sa binahaging passport size picture
Chie Filomeno, muling pinag-usapan sa binahaging passport size picture (@chiefilomeno)
Source: Instagram

Matatandaang naging usap-usapan din ang kanyang driver’s license at passport na ibinahagi dahil mukha raw itong may make-up, gayong bawal ito. Narito ang ilang komento sa kanyang post:

Read also

Donita Nose, pinasilip ang kaganapan sa kanyang housewarming party

Sang branch yan? kasi dito ang pangit ko na ang pangit pa ng ink hahaha
Grabe kana chie, sana man lang ganyan ako ka fresh sa 1x1 pictures ko

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Amaccana po oo na ikaw na always maganda at fresh sa mga id pics

Matatandaang gumawa pa siya ng tutorial sa TikTok kasunod ng pag-viral ng kanyang pagpost ng kanyang passport picture:

Si Chienna Filomeno ay isang modelo at costplayer. Naging bahagi siya ng Girltrends, isang all-girl group na bahagi ng noontime show na It's Showtime. Matatandaang naging kontrobersiyal ang di pagkakaunawaan nila ng kasamahang si Dawn Chang. Kinalaunan ay nagsalita si Chie tungkol sa posibilidad ng kanilang pagbabati.

Kamakailan ay nag-post si Chie ng picture niya suot ang kanyang gown sa Preview Ball. Kabilang ang kaibigan niyang si Barbie Imperial sa mga nagkomento sa kanyang post. Inasar siya ni Barbie na hindi nito kayang sumakay sa motor dahil sa suot. Sagot naman ni Chie ay hindi sigurado si Barbie kung hindi ba talaga niya kayang gawin iyon. Dagdag pa niya mag-aangkas pa siya.

Read also

Mikee Morada, napa-walk out sa prank ni Alex Gonzaga sa kanya

Naging usap-usapan din ang patutsadahan nina Chie at ni Valentine Rosales kamakailn sa FB page ng Manila Bulletin has gone viral. Ito ay matapos mag-post ng isang lathala kaugnay sa Driver’s License at passport picture ni Chie. Matapos mag-komento ni Valentine ay hindi nakapagpigil si Chie na sumagot. Hindi dito natapos ang sagutan nila matapos sumagot uli ni Valentine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel