Kaye Abad, natawa sa alegasyon na isa umano siya sa naging “babae” ni Daniel Padilla
- Nagsalita si Kaye Abad kaugnay sa alegasyong isa siya sa mga naugnay na babae kay Daniel Padilla
- Lumabas ang isang blind item kamakailan at kaugnay ito sa mga babaeng iniuugnay sa aktor
- Sagot ni Kaye nang hingan siya ng reaksiyon, sinabi niyang nakakatawa daw ang issue na ito
- Sa kasalukuyan ay pamilyado na si Kaye at mayroong dalawang anak sa asawang si Paul Jake
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Para kay Kaye Abad, nakakatawa ang alegasyon na isa umano siya sa naging “babae” ni Daniel Padilla. Ito ang kanyang naging sagot nang hingan siya ng reaksiyon ni Abante Tonite entertainment columnist Rose Garcia.
“Grabe, nakakatawa ‘yang issue na ‘yan!”
Isa si Kaye sa inaakusahang naugnay kay Daniel kasunod ng hiwalayang KathNiel na talaga namang lumikha ng ingay.
Isang blind item patungkol kina “Disco” at “KA” na nag-check in sa hotel ang naging dahilan ng isyung ito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kasalukyan ay hindi na gaanong active sa showbiz si Kaye pero may mangilan-ngilan siyang acting at endorsement project. Naninirahan na siya sa Cebu kasama ang asawang si Paul Jake Castillo at kanilang dalawang anak.
Kaye Abad, na kilala rin bilang Katherine Grace Cosme Abad, ay isang Filipinong aktres na sumikat sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Mayo 17, 1982, sa Easton, Pennsylvania, USA, ngunit lumaki at naging kilala bilang isang artista sa Pilipinas. Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.
Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Kaye ang isa sa mga picture niya sa kanyang birthday pictorial. Marami ang humanga sa aktres dahil mukha itong hindi tumatanda kahit pa 40 taong gulang na ito. Bumaha ng komento ng pagbati at paghanga sa kagandahan ng aktres sa binahagi nitong picture na kinuhanan ng Nice Print Photography. Matatandaang una siyang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV."
Nitong nakaraang Setyembre ay pinagdiwang ng mag-asawang Kaye at Paul Jake Castillo ang unang kaarawan ng bunsong anak nilang si Iñigo. September 2, 2022 pinagdiwang ang unang kaarawan ng bunso nila.Binahagi ng Nice Print Photography ang magagandang pictures na kuha sa kanilang party.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh