Andrew Schimmer, wagi bilang Asia's Most Inspiring Actor and Model of the Year

Andrew Schimmer, wagi bilang Asia's Most Inspiring Actor and Model of the Year

- Pinarangalan si Andrew Schimmer ng Asia's Most Inspiring Actor and Model of the Year

- Ito ay igagawad sa kanya ng 6th Asia Pacific Luminare Awards na gaganapin sa Nobyembre 23

- Sa kanyang socmed post, labis ang kanyang pasasalamat sa biyayang ito na kanyang natanggap

- Umapaw agad ng komento ng pagbati ang naturang post ni Andrew at ayon sa netizens, deserve umano nito ang kanyang award

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Wagi bilang Asia's Most Inspiring Actor and Model of the Year sa 6th Asia Pacific Luminare Awards na gaganapin sa Nobyembre 23.

Andrew Schimmer, wagi bilang Asia's Most Inspiring Actor and Model of the Year
Andrew Schimmer (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naibahagi ito ni Andrew na agad na nagpasalamat sa biyayang ito na kanyang nakamit.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Maraming salamat po. It will be an honor.All glory to God…All His, not mine. Sometimes, Faith and Love changes everything," ang caption niya sa kanyang post.

Inulan naman agad ng pagbati at papuri si Andrew mula sa mga netizens na sumusuporta sa kanya at sa kanyang pamilya.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"We are so happy for you Andrew, deserve mo 'yan"
"You are truly inspiring Andrew... Bihira ang tulad mo kaya deserve mo ang magkaroon ng award"
"Grabe sir Andrew, akmang-akma ang award mo "Most inspiring actor" nakaka-inspire ka po talaga sa kung paano mo mahalin ang pamilya mo lalo na ang misis mo"
"Jho would be very happy for you Andrew. Para sa'yo talaga ang awarad na 'yan"
"Dapat lang talagang kilalanin ang nakaka-inspire na kwento. mabuhay kay Andrew!"

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na gumawa ng ingay kamakailan sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na agad namang sinundan ng brain hypoxia.

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili nalamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Dito inabot na muli si Jho ng ika-isang taon nito sa kanyang kalagayan. Umaasa ang marami na patuloy na ang paggaling ni Jho dahil na rin sa kamangha-manghang pag-aalaga sa kanya ng mister at ng kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel