Andrew Schimmer, nag-sorry sa mga umano'y naiirita sa pagiging emosyonal niya

Andrew Schimmer, nag-sorry sa mga umano'y naiirita sa pagiging emosyonal niya

- Nag-sorry si Andrew Schimmer sa mga umano'y naiirita sa pagiging emosyonal niya

- Aniya, hindi lang daw niya mapigilan ang kanyang emosyon lalo na pagdating sa kanyang misis

- Ipinakita rin niya ang kalagayan nitong nawala na ang pamamanas subalit nasa ICU pa rin

- Hiling pa rin ni Andrew ang dasal para sa kanyang misis gayung naniniwala siyang malalampasan nila ang pagsubok na ito sa kanilang buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong update ni Andrew Schimmer patungkol sa kalagayan ng misis niyang si Jho Rovero, nag-sorry ito sa mga taong naiirita umano sa kanya sa pagiging emosyonal.

Andrew Schimmer, nag-sorry sa mga umano'y naiirita sa pagiging emosyonal niya
Si Andrew Schimmer at ang kanyang pamilya (JOhn Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na matagal-tagal na rin na hindi agad nakapag-update si Andrew sa lagay ni Jho mula nang ibalik nila ito sa ospital.

"Nandito ako ngayon sa kanya sa ICU. supposedly, yesterday dapat lilipat na siya ng regular room kasi medyo under observation ulit siya ngayon. kasi since last night nawawala-wala yung kanyang self-breathing na supposedly Okay na. So today medyo under observation ulit siya kaya I need your prayers," ani Andrew.

Read also

Misis ni Andrew nasa ICU pa rin: "Nawawala-wala yung kanyang self-breathing"

"Sana mga kapatid wag kayong magsawa, 'wag kayong mapagod, samahan akong magdasal. Sa mga ibang kapatid natin na nai-irritate sa'kin dahil masyado raw akong emosyonal, Guys I'm sorry. I cannot control those emotions sometimes," ang nasabi rin ni Andrew."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Pag mahal mo yung tao, lumalaban. 'Pag meron kayong mahal sa buhay, na ipinaglalaban ang buhay niya. I know you will understand me," dagdag pa niya.

Matatandaang minsan nang natalakay ni Cristy Fermin ang tungkol kay Andrew nabansagan umano ng ilan bilang 'pambansang paawa.'

Isa naman sa mga dumipensa kay Andrew ay si RR Enriquez. Ito ay matapos niyang sabihin na 'di na dapat pang i-bash si Andrew kundi dapat itong hangaan.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na gumawa ng ingay kamakailan sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na agad namang sinundan ng brain hypoxia.

Read also

RR sa umano'y 'di pagbati ni Andi sa inang si Jaclyn; "Nakaka-sad siya para sa isang magulang"

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili na lamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Dito inabot na muli si Jho ng ika-isang taon nito sa kanyang kalagayan. Umaaasa ang marami na patuloy na ang paggaling ni Jho dahil na rin sa kamangha-manghang pag-aalaga sa kanya ng mister at ng kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel