Misis ni Andrew nasa ICU pa rin: "Nawawala-wala yung kanyang self-breathing"

Misis ni Andrew nasa ICU pa rin: "Nawawala-wala yung kanyang self-breathing"

- Muling nagbigay ng update si Andrew Schimmer sa lagay ng misis niyang si Jho Rovero

- Aniya, matagal-tagal din siyang hindi nakapag-update dahil sa dami ng kanyang inaasikaso

- Naikwento niyang malilipat na sana si Jho sa regular room subalit nawawala-wala raw ang self-breathing nito kaya kinakailangan na naka-air ventilator

- Noong Nobyembre 1, isang taon na ang pagkakalagak sa pagamutan ni Jho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay ng update svbi Andrew Schimmer sa kalagayan ng misis na si Jho Rovero.

Hindi tulad ng dati, natagalan bago muling makapag-video si Andrew at maibahagi ito sa publiko na tila nasubaybayan sa mga kaganapan ng kanilang pamilya lalo na ang tungkol sa kanyang asawa.

Misis ni Andrew nasa ICU pa rin: "Nawawala-wala yung kanyang self-breathing"
Photo: John Andrew Schimmer
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bumuti na ang lagay nito subalit kinakailangan pa rin nitong mamalagi sa ICU.

"Anyway, nandito ako ngayon sa kanya sa ICU. supposedly, yesterday dapat lilipat na siya ng regular room kasi medyo under observation ulit siya ngayon. kasi since last night nawawala-wala yung kanyang self-breathing na supposedly okay na. So today medyo under observation ulit siya kaya I need your prayers," ani Andrew.

Read also

Andrew Schimmer, nag-sorry sa mga umano'y naiirita sa pagiging emosyonal niya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagawa rin niyang mag-sorry sa mga tao lalo na iyong mga naiirita raw sa kanyang pagiging emosyonal.

"Pag mahal mo yung tao, lumalaban. 'Pag meron kayong mahal sa buhay, na ipinaglalaban ang buhay niya. I know you will understand me. Nawala na yung kanyang pamamanas, ang binabantayan na tin ulit yung self-breathing niya. So 100% nakadepende tayo sa kanyang air ventilator."

Narito ang kabuuuan ng kanyang pahayag:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na gumawa ng ingay kamakailan sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na agad namang sinundan ng brain hypoxia.

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili nalamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Read also

RR sa umano'y 'di pagbati ni Andi sa inang si Jaclyn; "Nakaka-sad siya para sa isang magulang"

Dito inabot na muli si Jho ng ika-isang taon nito sa kanyang kalagayan. Umaasa ang marami na patuloy na ang paggaling ni Jho dahil na rin sa kamangha-manghang pag-aalaga sa kanya ng mister at ng kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel