Yen Santos, pinasalamatan si Paolo Contis; sinabing siya ang no. 1 fan ni Paolo

Yen Santos, pinasalamatan si Paolo Contis; sinabing siya ang no. 1 fan ni Paolo

- Si Yen Santos ang tinanghal na best actress sa ginanap na 45th Gawad Urian nitong Nobyembre 17, 2022 na ginanap sa UP Film Center, UP Diliman, Quezon City

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa kanyang acceptance speech ay hindi niya kinaligtaang pasalamatan ang leading man sa pelikulang A Faraway Land na si Paolo Contis

- Inilarawan niya din si Paolo bilang isang aktor na sobrang talented at napakagaling na artista at siya daw ang number 1 fan ni Paolo

- Pinasalamatan din niya ang Gawad Urian sa tiwala sa kanya at sa pagbibigay ng aniya'y maituturing niyang "best birthday gift ever"

Pinasalamatan ni Yen Santos ang kanyang leading man na si Paolo Contis sa kanyang pagkapanalo bilang best actres sa ginanap na 45th Gawad Urian. Inilarawan niya din si Paolo bilang isang aktor na sobrang talented at napakagaling na artista at siya daw ang number 1 fan ni Paolo.

Read also

John Lloyd Cruz, gustong makasama si Bea Alonzo sa susunod niyang proyekto

Yen Santos, pinasalamatan si Paolo Contis; sinabing siya ang no. 1 fan ni Paolo
Yen Santos, pinasalamatan si Paolo Contis; sinabing siya ang no. 1 fan ni Paolo (@paolo_contis)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“And of course, to my leading man Paolo Contis — sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo. Ahhm, I’ll always be your number one fan."

Pinarangalan siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang pagganap sa papel ng isang Pilipinang nangibang-bayan sa pelikulang A Faraway Land kung saan nakapareha niya si Paolo.

Pinasalamatan din niya ang Gawad Urian sa tiwala sa kanya at sa pagbibigay ng aniya'y maituturing niyang "best birthday gift ever."

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Matatandaang ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang ilang beses na nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos na natanggap niya nang maghiwalay sila ni LJ. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Read also

Paolo Contis, proud kay Yen Santos sa Best Actress award nito; "See you in awhile"

Kamakailan ay inunahan na ni Paolo ang mga bashers sa kanyang panibagong post sa kanyang personal Facebook account. Ibinida niya na masarap ang kanyang baong adobo at may libreng bashing pa umano ito. Wala siyang binanggit na pangalan sa taong kanyang pinasalamatan ngunit tinawag niya itong "babikwoooh." Matatandaang sa nauna niyang post kung saan pinasalamatan niya si Yen sa niluto nitong kaldereta, humirit pa si Paolo ng adobo na pabirong sinagot ni Yen na abusado na umano ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel