Chito at Neri Miranda, sobrang proud sa kanilang 'Ate Pia': "She's such a blessing talaga"

Chito at Neri Miranda, sobrang proud sa kanilang 'Ate Pia': "She's such a blessing talaga"

- Isa sa mga naikwento nina Chito at Neri Miranda sa panayam sa kanila ni Karen Davila ay ang tungkol sa kanilang si 'Ate Pia'

- Madalas kasing makita ang batang ito na kasama nina Chito at Neri sa kanilang family picture

- Nilarawan nila ito bilang blessing sa kanilang pamilya lalo na para sa kanilang mga anak na sina Miggy at Cash

- Excited na rin umano sina Chito at Neri na maging isang ganap na Miranda na si Pia na naibahagi nilang nalalapit na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay pa ng detalye sina Chito at Neri Miranda tungkol sa batang babae na laging kasama nila sa kanilang family picture na si 'Ate Pia.'

Chito at Neri Miranda, sobrang proud sa kanilang 'Ate Pia': "She's such a blessing talaga"
Neri Miranda (@mrsnerimiranda)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na labis ang pagmamahal ng mag-asawa sa kanilang 'Ate P' na talagang itinuturing nilang isang biyaya sa kanilang pamilya.

Read also

Toni Gonzaga, excited sa 20th anniversary concert na gaganapin sa birthday niya

"We consider her as a gift from God, From heaven talaga 'yan e. Lagi naming sinasabi na, We are always discussing na some children are born of you, galing sa'yo. Sometimes God chooses the parents for them. I think that's the role that we're playing. So 'yun. we consider her as a gift talaga," pahayag ni Chito.

Excited na rin umano sila na maging isang ganap na Miranda si Pia na labis ding natutuwa dahil matatawag na raw nitong 'Daddy' si Chito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"And she'll be legally ours soon," ani Chito. "She's such a good ate kay Miggy talaga. Sobra, pati kay Cash. She's such a blessing talaga. Kasi makikita mo talagang alagang-alaga niya si Miggy. And Miggy also, mahal na mahal din siya," dagdag pa nito.

"Since day 1 naman she's our daughter," ayon naman kay Neri na labis-labis din ang pagka-proud kay Pia napakabuting Ate kina Miggy at Cash.

Read also

Christian Bables, sinabing 'straight' siya; bukas sa posibilidad na ma-attract sa kabaro

Narito ang kabuuan ng pahayag ng mag-asawang Chito at Neri na mula sa YouTube ni Karen Davila:

Si Neri Naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2014 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Sa ngayon, isa nang matagumpay na businesswoman si Neri na labis na hinahangaan ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel