Neri Miranda, umalma sa bashers sa 1K budget meal plan niya para sa isang linggo

Neri Miranda, umalma sa bashers sa 1K budget meal plan niya para sa isang linggo

- Sinagot ni Neri Miranda ang mga pangbabatikos sa kanya ng ilang netizens kaugnay sa kanyang nilabas na meal plan

- Aniya, isang libong piso daw ang kanyang budget sa naturang meal plan na inalmahan ng ilan dahil anila ay hindi makatotohanan

- Dagdag pa niya, depende din sa laki ng pamilya ang budget sa pagkain

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Neri Miranda na sagutin ang mga komento kaugnay sa kanyang binahaging sample meal plan na mayroong P1,000 budget para sa isang linggo. Aniya, lagi raw niya sinasabi sa kanyang mga followers na magtanim sa bakuran o sa paso para makatipid sa ingredients.

Neri Miranda, umalma sa bashers sa 1K budget meal plan niya para sa isang linggo
Neri Miranda, umalma sa bashers sa 1K budget meal plan niya para sa isang linggo (@mrsnerimiranda)
Source: Instagram

Ani Neri, bukod sa mga tips sa pagtitipid na naibahagi niya, kakayanin ng budget kung 1-3 katao lang ang kakain.

P.S. Kayo talaga, kayo na nga binigyan ng "sample" at idea ng meal plan, yung mga di followers, makapagbash lang. Sa mga followers ko na alam na palagi kong sinasabi na matutong magtanim sa bakuran o sa paso para makatipid sa ingredients. At kung kaya pang mag alaga ng mga manok para palaging may fresh eggs sa bahay. Malaking tipid po yun. Dun nyo kunin ang ingredients. Depende rin po kung gaano kayo karami. Maiiba syempre ang budget nyo. Kung 1-3 katao per house at katamtaman lang ang kain, kaya yan.

Read also

Derek Ramsay at Baby Giant, nagpagalingan sa push up challenge

Binanggit din ni Neri na marami pang ibang paraan para makatipid.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kailangan talaga may explanation at disclaimer after. Maraming paraan para makatipid, umpisahan na para maging wais sa buhay. Masaya yun!

Si Neri naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2914 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Neri ang kanyang pasasalamat sa kanyang mister na si Chito. Kaugnay ito sa kanyang natanggap na regalo mula sa kanyang mister na massage chair. Isang netizen naman ang tila hindi nagustuhan ang pag-post na ito ni Neri at sinabihan niya itong mayabang. Imbes na magalit, sinabi ni Neri na malalampasan din ng naturang netizen kung ano man ang pinagdadaanan niya.

Read also

Ivana Alawi, umamin tungkol sa kanyang love life: "Hindi siya artista"

Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa. Dagdag pa ni Chito, social media account naman ni Neri iyon kaya may kalayanan naman siyang i-post ang mga bagay na gusto niyang isapubliko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel