Toni Gonzaga, excited sa 20th anniversary concert na gaganapin sa birthday niya

Toni Gonzaga, excited sa 20th anniversary concert na gaganapin sa birthday niya

- Inanusyo ni Toni Gonzaga ang pagkakaroon niya ng 20th anniversary concert

- Gaganapin ito sa mismong araw ng kanyang birthday sa January 20, 2023

- Sa kanyang social media post, nagpabatid na agad ng pasasalamat si Toni lalo na sa mga pinagdaanan niya sa loob ng dalawang dekada sa showbiz

- Isa na ngayon ang kanyang talk show na Toni Talks sa pinaka-aabangang episode sa kanyang channel sa YouTube

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang inanunsyo ni Toni Gonzaga ang pagkakaroon ng 20th anniversary concert na gaganapin sa mismong araw ng kanyang kaarawan sa Enero 20.

Toni Gonzaga, excited sa 20th anniversary concert na gaganapin sa birthday niya
Toni Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga pasabog niya sa paparating na taong 2023 kung saan ipagdiriwang niya ang pagiging bahagi ng industriya ng showbiz sa loob ng dalawang dekada.

Sa kanyang mga social media platforms, ibinahagi ni Toni ang ilang detalye ukol sa kanyang nalalapit na anniversary concert.

"I AM grateful to be able to do this on my birthday Jan. 20, 2023! I will be celebrating my 20th anniversary at the Araneta Coliseum. What a journey!! Thankful for the past, excited for the present and looking forward to the future! Hope to see you there!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga.

Minsan na ring naikwento ni Toni na ang kapatid niyang si Alex ang nagkumbinsi sa kanya na mag-vlog. Subalit kapansin-pansin na magkaiba ang tipo ng content ng kanilang mga video.

Sa ngayon, isa ang 'Toni Talks' sa kanyang channel na Toni Gonzaga Studio, sa pinakaaabangang talk show sa Youtube. Linggo-linggo, inspirasyon ang hatid ng mga kwento ng personalidad na kanyang nakakapanayam.

Isa sa pinakamakabuluhan niyang panayam ay ang maging panauhin niya si Maricar Reyes na nagkaroon na ng lakas ng loob na pag-usapan ang nangyaring iskandalo sa kanya halos isang dekada na ang nakalipas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel