Herlene Budol, napapasabak na sa englishan sa Miss Planet International

Herlene Budol, napapasabak na sa englishan sa Miss Planet International

- Muling nagbigay ng update si Herlene Budol sa kanyang pagsabak sa Miss Planet International

- Kapansin-pansin na hindi pa rin nawawala ang pagiging masayahin ni Herlene sa mga taong nakakasalamuha

- Napapasabak na rin sa pagsasalita ng wikang Ingles si Herlene sa pakikipagkulitan niya sa mga kandidata at mga nakikilala roon

- Matatandaang minsan nang nabanggit ni Herlene na maging sa aktwal na pageant, lalo na sa question and answer, wikang Filipino pa rin ang kanyang gagamitin sa tulong na lamang ng interpreter

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Herlene 'Hipon Girl' Budol ang mga kaganapan sa kanilang sash ceremony at museum tour sa pagsabak niya sa Miss Planet International 2022 sa Uganda.

Herlene Budol, napapasabak na sa englishan sa Miss Planet International
Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Kapansin-pansin na dala-dala pa rin ni Herlene ang pagiging masayahin nito sa ibang bansa at talagang nakikipagpalagayan na siya ng loob sa mga kapwa niya kandidata.

Read also

Bernadette Sembrano sa pangangalakal na ginagawa ng mister; "I like doing it"

Sa vlog ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino, mapapanood ang mga activities ni Herlene sa Uganda bilang paghahanda sa nabanggit na beauty pageant.

At sa kanya ngang pakikipagkulitan sa mga kapwa niya Miss Planet International candidates, kapansin-pansin na napapasabak na sa pagsasalita ng English si Herlene.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"The best experience I ever had... Englishera na ako pag-uwi," aniya.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa sash ceremony at museum tour ni Herlene mula sa Wilbert Tolentino VLOGS:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Read also

Kristel Fulgar, tinuturing na priceless moment ang makadalo sa concert ni Seo In-guk

Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.

Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali Binibining Pilipinas 2022.

Hindi naman sila nabigo at nagbunga ang kanilang mga pagsasakripisyo nang mahakot ni Herlene ang karamihan ng special awards at ang pagiging 1st runner-up.

Samantala, sa pinakabagong interview sa kanya ni Karen Davila, ipinasilip din ni "Hipon Girl" ang loob ng bago niyang tahanan.

Sa ngayon, abala si Herlene sa mga pre-pageant activities ng first international beauty pageant na sinalihan niya, ang Miss Planet International 2022 sa Uganda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel