Vice Ganda, binigyan ng singsing si Ion Perez sa kanilang 4th anniversary

Vice Ganda, binigyan ng singsing si Ion Perez sa kanilang 4th anniversary

- Binahagi ni Vice ganda sa kanyang YouTube channel ang kanilang 4th anniversary celebration ni Ion Perez

- Bukod sa kanyang Nanay Rosario, naroroon din ang ilan sa malalapit na kaibigan ng dalawa

- Nagbigay din ng mensahe ang mga kasamahan nila sa "It's Showtime" maging ang kani-kanilang pamilya

- Singsing naman ang binigay na regalo ni Vice Ganda kay Ion na aniya ay malimit magbigay ng regalo sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang singsing ang regalo ni Vice Ganda para kay Ion Perez sa kanilang ikaapat na anniversary. Aniya, siya lang ang nabigyan ng singsing ni Ion kaya naisip niyang bigyan din ito. Aniya, si Ion ang malimit na magbigay ng regalo tuwing sasapit ang mga espesyal na okasyon.

Vice Ganda, pinakita ang 4th anniversary celebration nila ni Ion Perez
Vice Ganda, pinakita ang 4th anniversary celebration nila ni Ion Perez (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Bukod sa kanyang Nanay Rosario, naroroon din ang ilan sa malalapit na kaibigan ng dalawa. Nagbigay din ng mensahe ang mga kasamahan nila sa It's Showtime maging ang kani-kanilang pamilya. Bukod sa kanilang mga ina, nagbigay din ng mensahe ang mga kapatid nila.

Read also

Vice Ganda, dinumog ng mga fans nang bumisita sa SM Tarlac and SM Pampanga

Kapansin-pansin naman na emosyonal si Ion habang pinapanood ang mga mensahe ng kanilang mahal sa buhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel