Cristy, muling nabanggit ang P5 milyong utang umano ng misis ni Terrence Romeo kay Ogie Diaz

Cristy, muling nabanggit ang P5 milyong utang umano ng misis ni Terrence Romeo kay Ogie Diaz

- Muling binalikan ni Cristy Fermin ang umano'y limang milyong pisong utang ng misis ni Terrence Romeo kay Ogie Diaz

- Aniya, nahikayat ng misis ni Terrence si Ogie na maglabas ng ganoong kalaking halaga sa inakalang investment na papasukin

- Poultry business ang inakala ni Ogie na paglalaanan ng malaking halagang naibigay niya sa misis ng basketbolista

- Ngayon, nabanggit ni Cristy na hinihintay pa rin umano ni Ogie na mabayaran siya sa malaking halagang ipinagkatiwala niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling naikwento ni Cristy Fermin ang umano'y limang milyong pisong utang ng misis ni Terrence Romeo na si Beatrice Pia White kay Ogie Diaz.

Cristy, muling nabanggit ang P5 milyong utang umano ng misis ni Terrence Romeo kay Ogie Diaz
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: UGC

Ito ay matapos na mabanggit nina Cristy, Romel Chika at Morly Alinio sa kanilang channel na 'Showbiz Now Na!' na nasa poder umano ni Terrence Romeo ang anak nila ni Pia.

Read also

Ogie Diaz, sa umano'y away nina Barbie at Debbie; "Baka naman may mas mabigat na rason"

Ayon kay Cristy, hinihintay pa rin umano ni Ogie na siya'y mabayaran gayung Php5 milyon ang halagang kanyang ipinagkatiwala kay Pia.

"Php5 milyong na pinaghirapan ni Ogie ang inutang sa kanya ni Pia sa isang pangako na magiging kasosyo sa isang poultry farm... Isang negosyo na wala naman pala," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang drama niya, magpapadala siya ng manok. (Na binibili lang pala sa palengke) Tapos sasabihin niya galing sa poultry," ayon naman kay Morly.

Pagdedetalye pa ni Cristy, naging pabulosa umano ang lifestyle ni Pia gayundin ng mister nitong si Terrence.

Makikita ito sa mga social media post ng basketbolista kung saan mamahalin ang mga umano'y ipinakikitang gamit nito.

Maging sa mga naging kaibigan at nakakasama ni Pia, kinakitaan umano ito ng pagiging mapagbigay.

"In fairness marunong siyang makisama. Mabait naman siya. Hindi mo talaga mapagdududahan na may ginagawa na palang palso," ani Cristy dahilan marahil kung bakit nakuha ni Pia ang tiwala ni Ogie sa malaking halaga na Php5 million.

Read also

Debbie Garcia, tinangging nagkarelasyon sila ni Diego Loyzaga

"So ang lahat ay umikot sa isang malaking lokohan. Sabi nga ni Ogie, tawagan lang niya ako at sabihin wala na akong planong magbayad ng utang ko sa'yo maiintindihan ko kesa 'yung ganito na paasa"

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel