Maricel Soriano, nawindang sa dami ng pagkain sa ref nina Sylvia Sanchez

Maricel Soriano, nawindang sa dami ng pagkain sa ref nina Sylvia Sanchez

- Pinasyalan ni Maricel Soriano ang isa sa kanyang malapit na kaibigan sa showbiz, si Sylvia Sanchez

- Sa kanyang binahaging video sa kanyang YouTube channel, nag-ref raid ang Diamond Star at nawindang sa dami ng pagkain nina Sylvia

- Ani Sylvia, isa sa kanyang malimit gawin ay mag-grocery shopping dahil lagi niyang sinisiguradong may pagkain sa bahay nila

- Pinagluto naman ni Sylvia ang kanyang inay Maricel habang nagkukuwentuhan sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-ref raid si Maricel Soriano sa bahay ng kaibigan niyang si Sylvia Sanchez. Nawindang ang Diamond Star matapos makita ang laman ng ref nina Sylvia dahil umano sa dami ng laman nito.

Maricel Soriano, nawindang sa dami ng pagkain sa ref nina Sylvia Sanchez
Maricel Soriano, nawindang sa dami ng pagkain sa ref nina Sylvia Sanchez (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Katwiran naman ni Sylvia, palagi niyang sinisiguradong marami ang stocks nila. Aniya kahit hindi masyadong marami ang hawak niyang cash basta nasiguro niyang may stock silang pagkain ay panatag na ang loob niya.

Simula umano nang magkasama sina Maricel at Sylvia sa isang pelikulang kanilang ginawa noon ay naging magkaibigan na sila hanggang sa kasalukuyan. Naibahagi din ni Sylvia ang naging payo sa kanya ni Maricel noon tungkol sa kanyang pag-aartista at maging sa pag-iipon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel