Madam Kilay, binahagi ang nakakaiyak na video ng kanyang panganganak

Madam Kilay, binahagi ang nakakaiyak na video ng kanyang panganganak

- Ibinahagi ni Madam Kilay ang aktwal na video ng panganganak niya sa panganay nila ng partner niyang si Michael

- Makikita sa naturang video ang pagiging emosyonal ni Michael lalo na habang nakikita niyang nahihirapan si Madam Kilay

- Lalo pa itong naging emosyonal nang sa wakas ay nakalabas na ang kanilang Baby na pinangalanan nilang Morty Solaire Deck

- Bumuhos naman ang pagbati para sa kanilang dalawa nahindi maitago ang saya na makasama na nila ang kanilang Baby Lakas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilabas ni Madam Kilay ang aktwal na video ng kanyang panganganak. Makikita sa naturang video ang pagiging emosyonal ni Michael lalo na habang nakikita niyang nahihirapan si Madam Kilay.

Madam Kilay, binahagi ang nakakaiyak na video ng kanyang panganganak
Madam Kilay, binahagi ang nakakaiyak na video ng kanyang panganganak (@facebook.com/MadamKilayOfficial)
Source: Facebook

Si Michael din ang nagputol ng pusod habang inaalalayan siya ng mga nagpaanak kay Madam Kilay.

Read also

Buboy Villar, nataranta sa prank ni Jelai Andres kung saan sinabi nito na nakagat siya ng aso

Hindi naman mapigilang maiyak din ng mga nakapanood ng emosyonal na video na ito na binahagi ni Madam. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa naturang video:

This is very beautiful, Madam ❤️ YOU were very brave! I'm crying while watching. RAW AND BEAUTIFUL.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bakit ako umiyak nung umiyak si Michael grabe !
Nkakaiyak! Grabe sakripisyo talaga ng isang Ina.. Congratulations Madam Kilay

Si Madam Kilay o si Jinky Anderson sa totoong buhay ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial video. Ibinahagi niya rin sa mga videos ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay nakwento niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael. Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Read also

Antonette Gail, nanganak na sa panganay na anak nila ni Whamos Cruz

Matatandaang sa isang maikling video na kanyang binahagi sa social media, pinakita ni Madam Kilay kung gaano nagpasalamat ang mga bangkero sa Surigao. Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil nahabag umano siya sa kalagayan ng mga ito. Napag-alaman ni Madam Kilay na P120 lang umano ang kita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero. Marami ang natuwa at lalong humanga kay Madam Kilay dahil sa kabila ng tagumpay nito ay hindi umano ito nakakalimot na ibahagi ang kanyang mga biyaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel